^

PSN Showbiz

Julia Clarete tsinugi sa serye, nagde-demand ng dagdag na TF

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia Clarete tsinugi sa serye, nagde-demand ng dagdag na TF
Julia

Isa pang napag-usapan sa TIPMMG kahapon ay si Julia Clarete na tsinugi na pala ang character sa Christmas serye ng TV5 na Paano Ang Pasko.

Kasi ba naman, ayon sa source ni Nay Cristy, nagde-demand ito ng additional talent fee kahit sinasabi ng production na pinilit lang nilang gawin ang serye sa kabila na may takot sila sa covid. Kaya wala raw silang puwedeng ibigay na additional TF.

Eh ang TF daw nito ay P50,000 per taping day at diumano’y nagde-demand ito na gawing P100,000 ang kanyang natatanggap na talent fee.

At nag-dialogue pa raw ito ng “I don’t need money. I just want to act.”

Kaya imbes na pagbigyan daw ito, ang ginawa ng production ay kinuha nila si Bing Loyzaga na kapalit ni Julia.
Kaya biglang sa isang eksena, tsinugi na ito.

Pero ang the height, inintriga pa raw nito si Beauty Gonzales kay Bing. Sabi diumano nito “Naku mag-ingat ka diyan kay Beauty Gonzalez. Maldita yan,” or something to that effect.

Comeback project ito ni Julia kaya nakakahina­yang naman na nag-feeling agad siya.

Marami pa namang nagagandahan sa takbo ng kuwento ng Paano ang Pasko.

May pa-throwback chika naman si Manay Lolit tungkol kina Nanette Medved, Dawn Zulueta and Gret­chen Barretto.

Minsan daw ay nagkita-kita sila sa isang high-end mall sa Makati.

Kaya naman nagkaroon sila ng instant chikahan tungkol sa mga buhay nila bilang mga misis.

Si Nanette ay isang tuna magnate ang napangasawa, si Chris Po, si Dawn ay si former Cong. Anton Lagdameo na mula rin sa mayayamang angkan sa Davao at ganundin naman ang partner ni Gretchen na si Mr. Tonyboy Cojuangco. Sobrang yaman din.

Ang difference lang, sina Nanette at Dawn, kasal kina Chris and Anton, si Gretchen hindi.

Kaya nang mag-chikahan daw ang tatlo at ang pinag-usapan ay tungkol sa kasal, halos nag-duet sina Nanette and Dawn kung naranasan ba ni Gretchen na ikasal.

Nag-walk out daw noon si Gret­chen.

Bongga naman ang blind item ni Mr. Fu kahapon na tungkol sa isang actress na parang mahilig mag-trip na manguha ng supplies sa pinupuntahan niyang beauty clinic.

Hindi pinangalanan ni Mr. Fu ang nasabing actress at may hula naman sina Nay Lolit at Nay Cristy.

Pero mali ang karamihan sa nanghula.

‘Yan at marami pang iba ang pinag-usapan ng mga pambansang chikadora ng bayan ng No.1 digital talk show na certified favorite ng mga kababayan natin sa abroad na naghahanap ng paglilibangan.

Sa mga hindi pa nakapanood ng TIPMMG, puwedeng maki-Team Replay sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment

JULIA CLARETE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with