^

PSN Showbiz

Ka Tunying’s ni Anthony Taberna ninakawan ng katiwala, posibleng magsara

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ka Tunying�s ni Anthony Taberna ninakawan ng katiwala, posibleng magsara
Anthony at Rossel

Naniniwala pa rin ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna na kakayanin nila ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap sa kasaluyan.

Ito ay matapos niyang ikuwento sa programang Magandang Buhay kahapon na malamang na magsara ang kanilang kumpanya matapos silang nakawan ng taong pinagkakatiwalaan nila.

Kuwento niya sa programa nina Karla Estrada, Melai Cantaveros and Jolina Magdangal : “Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey (anak nilang may leukemia), sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yon. Minsan napupuntahan n’yo itong Ka Tunying’s ano. Nadiskubre namin two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagtitiwalaan namin dito sa kumpanya,” umpisa nito.

“Eh sabi ko napakahirap naman ‘yung ganung sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kumpanya. Kumbaga kumita ka ng konti sa pagtitinda mo ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao,” kuwento ni Ka Tunying.

“Sobrang sakit sa pakiramdam nun. Kaya ang sitwasyon namin ngayon ‘yung tao ay inihahanda namin yung kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko, kasi malaking halaga, sabi ko nga kung hindi namin ito mareremedyuhan ngayon, pinagtapat namin sa mga manager namin na maghanda na sila sa pagsasara ng aming kumpanya,” dagdag pa nito na kasalukuyang napapanood naririnig sa DZRH.

Samantala, aabutin pa raw ng two years ang  treatment ni Zoey ayon sa mag-asawang Anthony and Rossel na lumalakas daw sa mga taong nagbibigay ng inspiration sa kanilang teenager na anak na lumalaban sa sakit.

Nakakaiyak ang nasabing interview ng mag-asawa na kasabay ding nag-guest si Jaya na sabi ni Ka Tunying kung dati ay sunud-sunod ang mga problemang dumarating pero ngayon daw ay patong-patong para sa kanila.

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with