^

PSN Showbiz

AlDub fans ayaw pa ring bumitiw

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin pala talaga bumibitaw ang mga loyal fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ang lakas pa rin ng AlDubnation na nagpakita ng matin­ding suporta sa muling pagsasama ng AlDub loveteam sa isang endorsement.

Nakita namin kung paano suportahan ng fans nina Alden at Maine ang endorsement ng bagong delivery service na Toktok Philippines.

Pati nga ako ay naengganyo na ring i-upload agad ang Toktok na app.

Susubukan na namin yan sa susunod naming delivery.

Mabuti at halos araw-araw naman silang nagsasama sa Eat Bulaga kaya kampante pa rin sila sa isa’t isa at nabuo ang magandang friendship.

Kaya hindi nawawalan ng pag-asa ang fans nila na magsama sila uli sa isang magandang proyekto.

Sabi nga ni Maine nang tinanong siya kung posibleng magsama sila sa isang pelikula, “sana”.

Kahit nagkaroon ng technical problems sa virtual me­diacon sa launching nitong Toktok, hindi bumitaw ang mga fans sa pagtutok sa kanilang FB live.

Nung nasa FB live ang contract-signing nila  kasama ang mga boss na sina Carlito Macadangdang at Jonathan So, mahigit 30 thousand views na ito at halos dalawang libong shares at 10 thousand comments.

Medyo magulo nga at hindi nagkakarinigan sa mga tanong ng movie press, inaaliw na lang ng mga fans na nagku-comment kung sino raw yung ubo nang ubo, at meron pang nagmura dahil hindi sila naka-mute sa Zoom.

Dito nga namin napatunayang si Maine pa rin talaga ang ideal ka-loveteam ni Alden.

Luna Awards naglabas na rin ng nominasyon

Kasabay ng announcement ng nominees sa 38th FAP Luna Awards, marami ang naintriga sa Facebook post ni Vivian Velez na director general ng Film Academy of the Philippines.

Sabi niya; “Unti-unti na bang namumulat ang aking mga mata? Sa mga pangakong napako!? Sayang ang pagod at malasakit.”

Pero may laugh emoji at hashtag na clickbait.

Ang duda namin baka pang-clickbait nga lang para mapansin at mapag-usapan?

Inihayag na nga nila kamaka­lawa ng gabi ang mga nominado sa FAP Luna Awards at bahagi sa mga nominado sa Best Picture ang pelikulang Mindanao na ipinadala nila sa Oscar Acade­my Awards para sa kategor­yang Best Foreign Langua­ge Film.

Kaya ang komento ng karamihan, tingnan daw nila kung ito ang mapipiling Best Picture dahil ito ang pinili ng academy para sa Oscar’s.

Kalaban ng pelikulang Min­danao ang Que­zon’s Game, Verdict, Hello, Love, Goodbye at Kontradiksyon.

Napataas ang kilay ng ilan bakit nakapasok sa kategoryang ito ang Kontradiksyon. At may nag-post na kaya ba kasali sa Best Picture itong Kontradiksyon dahil ang director nito ay ang direktor din ng FAP awards?

Sa Best Actress category ay nominado si Judy Ann Santos na inisnab ng Urian at FAMAS.

Makakalaban niya sina Kathryn Bernardo ng HLG, Sylvia Sanchez ng Jesusa, Ruby Ruiz ng Iska at Shamaine Buencamino ng Sunshine Family.

Hindi naman napasama sa Best Actor category si Alden Richards ng HLG. Maglalaban sa kategoryang ito sina Raymond Bagatsing ng Quezon’s Game, Louise Abuel ng Edward, Glo Gahol ng Sila-Sila, Jansen Magpusao ng John Denver Trending at Kristoffer King ng Verdict.

Stand-up comedians hindi makalimutan si Cong. Alan Peter

Huli lang namin nalamang malapit pala si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa mga performer lalo na ang mga stand-up comedians.

Kuwento ni Cong. Alan Peter, naging kaibigan niya ang mga stand up comedian dahil ang laki ng naitulong nila noong panahon ng kampanya.

Sila ang nagpapasaya sa campaign rallies at  nag­hu-host, na ang iba ay hindi pa raw nagpabayad.

Mahilig pa raw kumanta ang asawa niyang si Cong. Lani Cayetano kaya naging close sa kanila ang mga ito.

Kaya pala laging pinasasalamatan ni Donita Nose si Cong. Alan Peter nung tinulungan siya nang magka-COVID-19 ito.

Nakita naman na ang ilan sa mga naapektuhan nitong pandemya ay ang mga entertainers. Nagsara na ang karamihang comedy bars. Ang iba ay nagnegosyo online, ang ilan naman ay gumagawa ng kanilang Facebook live na nagpapasaya sa followers nila.

Nakita rin niya ito at iba raw talaga ang entertainment online dahil hindi mo na mauulit pa ang pagpapatawa sa mga susunod mong FB live.

Kaya zero daw talaga ang kita ng mga stand-up comedians magmula nung na-quarantine tayo.

Kaya isa raw si Cong. Lani sa naawa sa mga entertainers natin.

Kaya ang dami niyang tinulungan sa mga ito, at ang ilang shows online ay sinuportahan din niya.

Iyun daw sana ang maganda kung may sariling departamento ang mga entertainer, live performers at ito ang pinu-push niya ngayon na draft niyang Department of Arts and Culture bill.

“We really want to help these people and this industry. Kaya kailangan may seat sila sa gabinete. May departamento.

“Kung hindi, masyadong maliit yung natutulong namin,” pakli ni Cong. Alan Peter Cayetano.

vuukle comment

ALDEN

MAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with