^

PSN Showbiz

Vhong bawas ang kaba sa MMFF, pero may nararamdamang lungkot

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vhong bawas ang kaba sa MMFF, pero may nararamdamang lungkot
Vhong

Isa pang kasali sa MMFF 2020 Digital Edition ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim ni Vhong Navarro.

Aminado ang TV host / actor na less ang nararamdaman niyang kaba kasi nga walang entry sina Vic Sotto and Vice Ganda na tinuturing na hari ng MMFF. Ganundin din si Coco Martin.

Si Vice originally ay kasali, pero nag-back out dahil hindi na raw kakayanin. Si Vic ay hindi nagplano.

“Siyempre ‘yung totoo nabawasan ‘yung kaba ko, konti. Kasi siyempre iba ‘yung Vice, iba ‘yung Bossing, iba ‘yung Coco eh. ‘Di ba kapag filmfest, every year ‘yan, makikita mo sila, talagang banggaan ‘yan sa takilya,” pahayag ni Vhong sa digital media launch ng Mang Kepweng last Tuesday night.

Tulad sa ibang entry ng MMFF, kasali sana ito sa Summer Film Festival pero hindi nga natuloy dahil sa pandemya.

Masaya ang trailer at parang level up ang character niya bilang albularyo.

Pero wala pala napanood si Vhong na kahit anong original na Mang Kepweng movies na pinagbidahan ng sumikat na komedyanteng si Chiquito noong ‘70s and ‘80s. “Isang karangalan na bigyang-buhay muli ang isa sa mga pinakasikat na karakter na ginampanan ni Papang (Chiquito),” he stated. “Sobrang proud ko rito.”

Anyway, nabanggit din ng TV host / comedian na bawas in a way ang excitement at may sadness dahil nga hindi sila sa mga sinehan ipalalabas. “May konting lungkot kasi nga hindi sana ito ‘yung ini-expect natin na filmfest. Makabago. Pero enjoy-in na lang natin dito kung paano tayo papasok sa makabagong paraan at kung paano mae-enjoy pa rin ng tao na para silang nanonood sa totoong sinehan,” pahayag niya pa sa nasabing media conference vitually.

Dagdag ni Vhong, pinaka-importante pa rin naman rito ay kasama mo ang pamilya sa panonood ng sine ngayong new normal na nga ang buhay.

Completing the cast of the Pinoy fantasy horror-comedy film are Fumiya Sankai, Yamyam Gucong, Lotlot de Leon, Margo Midwinter, Alora Sasam, Rubi Rubi, Chad Kinis, Petite, Caloy Alde, Nikko Natividad, Lou Veloso, Mariko Ledesma, Kaladkaren, Patricia Roxas, Ritz Azul, Ion Perez, Ryan Bang, Benjie Paras, Barbie Imperial and Ms. Jaclyn Jose.

Directed by Topel Lee, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim is a collaboration project between Cineko Productions and Star Cinema.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with