^

PSN Showbiz

Jamm Rea, hindi iniiwan ang pag-aaral

Pilipino Star Ngayon
Jamm Rea, hindi iniiwan ang pag-aaral
Jamm Rea

MANILA, Philippines — Nakilala si Jamm Rea na isang singer-songwriter  sa kanyang mga madamda­ming awitin at mala-jazzy vocals. Gaya ng hinahangaan niyang bandang Eraserheads, layunin niyang maka­gawa ng mga awiting makakapukaw ng puso’t isip ng kanyang mga taga­pakinig.

Inilabas na ang kanyang debut single na Parang Di Mo Alam, na kasalukuyang mapapakinggan sa Spotify Philippines Fresh Finds playlist, at ngayo’y naghahanda sa kanyang unang EP na malapit na ring ilabas ng kanyang music label na Curve Entertainment Inc.

Ang kanyang hilig sa OPM bands at global alternative indie-pop artists ang nagbigay ng inspirasyon kay Jamm Rea para ituloy ang kanyang ambisyong makalikha ng musika.

Noong 2014, nag-audition siya sa The Voice Kids Season 1. Nakilahok at nagpasa rin siya ng awitin sa Himig Handog 2017 na may pamagat ng Walang Katotohanan, at sumubok din sa Idol Philippines at Wishcovery Season 2.

Nagpatuloy pa ang kanyang pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng live gigs, pagbubukas ng Moonstar88, nagtanghal sa Sundown PH sa PTV 4, at naging resident singer ng Feast Southmall Music Ministry and Good Shepherd Parish Choir. Sa lahat ng natanggap niyang biyaya, hindi niya kailanman nakalimutang papurihan ang Pangi­noon.

Bumuo rin siya ng YouTube channel kung saan maaari ring mapapanood ang kanyang mga cover ng kanta at iba’t ibang videos na nagpapakita ng kanyang pagiging makulit at masayahin.

Samantala, kahit abala sa pag-abot ng panga­rap para maging isang sikat at mahusay na mang-aawit, isa ring consistent honor student sa Centro Escolar University-Makati kung saan siya kumukuha ng Dentistry.   

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with