^

PSN Showbiz

Jinkee, kakaibang makipagkaibigan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, kakaibang makipagkaibigan!
Jinkee
STAR/ File

Kahit ano pa ang sabihibin ng ma­ra­mi, Jinkee Pacquiao will forever be a special lady for me. ‘Yung ipinapakita niyang loyalty at pagmamahal kay Bernard Cloma is really ama­zing. ‘Yung pag-appreciate niya sa loyalty sa kanya ni Bernard, ‘yung kahit ano pa ang sabihin ng iba rito, ‘yung tiwala niyang hindi nawawala at pagtatanggol niya, isang magandang quality ng isang kaibigan at tao.

Kung friend ako ni Jinkee, I will feel so honored and privileged dahil mabait siyang kaibigan. Kaya kahit ano pa ang sabihin, para sa akin mabuting tao si Jinkee.

Actually mahiyain siya kaya hindi masyadong nagsasalita, pero wala kang yabang na mapi-feel sa kanya. I will always have a high respect for her habang nakikita ko ang pagmamahal niya kay Bernard, ‘yung closeness niya sa kanyang mga kapatid at ‘yung paggalang niya kay Mommy Dionisia, she is indeed a real lady.

Let her enjoy her things, show the world what her husband Champ Manny have given her, karapatan niya iyon. You need patience to have a friend like Bernard, at meron nito si Jinkee, for that, I salute her, for that, I admire her.

Maynila, madaling lapitan

Isa sa talagang hangang-hanga ako sa pagi­ging fast worker ay si Papa Cesar Chavez ng office ni Mayor Isko Moreno. Grabe siyang mag-res­pond ‘pag meron kang hininging tulong, at talagang maayos niyang gagawin ang anumang request mo. Kaya naging ganu’n ka-effective ang media coverage at mileage ni Mayor Isko dahil kay papa Cesar.

Taga-DZRH si Papa Cesar at sabi ni Gorgy Rula, cool boss daw ito. At dahil nga isa ring media man kaya malapit sa puso niya ang writers. Tumulong siya sa pag-aayos ng libing ng namatay na si Alex Datu, isang showbiz writer. Siya rin ang pinupuntahan ng writers ‘pag merong problema sa Manila. Kalahati siguro ng sakit ng ulo ni Mayor Isko ang dala ni Papa Cesar, pero cool na cool pa rin siya.

Sarap ‘pag meron kang madaling lapitan para sa hihingiin mong tulong. Bongga.

vuukle comment

JINKEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with