^

PSN Showbiz

Init sa Magdamag nina Yam, JM at Gerald, magpapainit na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mga bagong teleseryeng Init sa Magdamag at Huwag Kang Mangamba  pati bagong episodes ng MMK ang pinakabagong handog ng ABS-CBN sa patuloy nitong pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino sa iba’t ibang platforms sa telebisyon at online.

Bibida sa Init sa Magdamag sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion samantalang isa naman ang Huwag Kang Mangamba sa marami pang ihahandang sorpresa ng The Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

Makaka-relate rin ang mga manonood sa bagong episodes ng MMK  tampok ang mga kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis na pagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia na nag-umpisa na noong Sabado.

Mapapanood ang mga ito sa iba’t ibang platforms gaya ng cable at satellite sa Kapamilya Channel, sa free at digital TV sa A2Z channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, sa iWantTFC streaming service, at sa iba’t ibang bansa sa The Filipino Channel.

Makakapili rin ang mga manonood kung saan at kailan nila mapapanood ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng FPJ’s Ang Probin­syano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Bagong Umaga, at Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan, at I Can See Your Voice.

Live ring napapanood ang Magandang Buhay,  It’s Showtime, at ASAP Natin ‘To.

Bahagi na nga siguro ito ng new normal.

Hindi tulad noon na may regular schedule ang mga sinusubaybayang prog­rama na ‘pag hindi mo napanood ay magtatanung-tanong ka na lang. -

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with