^

PSN Showbiz

Singer, inaaligaga ng fans na may ticket sa nakanselang concert

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, naaawa naman ako sa kilalang female singer na ito.

May ilang shows kasi siya sa abroad na naapektuhan ng COVID-19 pandemic kaya hindi natuloy.

Pero si female singer pala ang mine-message ng ilang mga fan niya tungkol doon. Tuloy kasi ang announcement ng producer na ire-reschedule ‘yon, pero may ibang mga bumili ng ticket ang gustong magpa-refund na.

Eh, wala namang kinalaman si female singer pagdating sa tickets na nabenta sa nakabinbin niyang shows dahil talent lang naman siya sa mga ‘yon.

Sabi nga ng handler ni singer na nakatsikahan ko, sana raw ay mag-refund na lang ang producer para hindi na si female singer ang kinukulit tungkol doon.

“Siyempre, si _____ ang kilala ng mga fan na bumili ng tickets, kaya siya tuloy ang mine-message at nagtatanong ng tungkol sa refund.

“Tutal wala pa naman kasiguraduhan ang tungkol sa rescheduling dahil may pandemic pa rin, sana mag-refund na sila sa mga gustong magsoli ng tickets,” sey ni handler.

Naku, sa ganyang sitwasyon talaga, Ateng Salve, kawawa rin ang mga celebrity dahil sila ang kinukulit lalo na at madali silang mapadalhan ng message sa kanilang social media accounts, huh!

Kaya hindi rin masisisi ang mga celebrity na dini-disable ang DM (direct messaging) at comment section sa kanilang mga social media account para hindi sila basta-basta maistorbo sa mga ganoong bagay, ‘noh?!

Tsk... tsk... tsk...

BF na non-Showbiz ni aktres, na-alert’ lang sa kanilang break up

Naaliw ako sa kuwento ng isang common friend ng isang aktres at non-showbiz boyfriend nito.

Nalaman na pala ni non-showbiz guy na ibinuking na ni aktres na hiwalay na sila. Wala raw nagkuwento kay non-showbiz guy tungkol doon, nag-pop-up na lang daw sa kanyang email ang istorya ng isang tabloid tungkol sa hiwalayan nila ng aktres.

Naka-Google alert pala si non-showbiz guy at lumalabas sa kanyang email ang mga istorya kung saan nababanggit ang name niya.

Well...

Concert ni Myrtle bawi na agad sa sponsors

Mamayang 8:00pm na mapapanood sa ticket2mw.net ang Myrtle: Still Love Me virtual concert. Tumodo raw si Myrtle Sarrosa sa concert niyang ito.

Aminado nga ang kilalang cosplay player na noong una ay inakalang hindi na matutuloy ‘yon dahil affected nga ng pandemic, pero thankful pa rin daw siya sa producer nila na si Atty. Ferdinand Topacio dahil sumige pa rin ito sa nasabing project.

At kahit nga naging virtual concert ‘yon ay ginastusan pa rin talaga ng todo ng celebrity lawyer.

Sa tsikahan nga namin ni Myrtle ay sinabi niyang sobrang touched siya dahil grabe ang promotions ng kanyang virtual concert. Actually, pati GMA 7 nga na namamahala na ng kanyang career ngayon ay matindi rin ang pagpo-promote sa kanyang virtual concert. “Sobrang grateful po talaga ako,” sabi ni Myrtle.

Samantala, si Atty. Topacio naman ay nagsabing sa sponsors pa lang ay bawi na siya sa ginastos niya sa virtual concert ni Myrtle.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with