^

PSN Showbiz

Female personality, nahawa ng COVID sa kanyang driver!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakarating sa amin ang malungkot na impormasyong hindi nakaiwas sa COVID-19 ang isang pamosong female personality. Ewan lang kung sa paglabas ng kolum na ito ay inilabas niya na ang kuwento sa kanyang mga social media account.

Pero habang sinusulat namin ito ay wala pa, tahimik lang ang babaeng personalidad, wala pa siyang pag-amin na dinapuan siya ng salot na nagpapahirap ngayon sa buong mundo.

Sabi ng aming kausap, “Kung gastos ang pag-uusapan, kayang-kaya niyang itawid ang sakit na ito, pero ang problema, mahina ang katawan niya. Ang system niya ang mahina at siya naman mismo ang nagsasabi nu’n.

“Ang sabi, e, nahawa raw siya sa driver niya, pero hintayin na lang natin kung paano niya ikukuwento ang nangyari sa kanya,” pagtatapos ng aming source.

Aktor na mahusay umarte, pakalat-kalat na uli

May nakakita sa isang kilalang male personality na tumutusok-tusok-kumakain ng mga street food. Natiyempuhan ng aming source ang lalaking personalidad sa isang lungsod kung saan siya lumaki.

Hinayang na hinayang ang aming source, mukhang pinababayaan na raw ng aktor ang kanyang sarili, naiintindihan nito na pandemya ngayon pero awang-awa ang aming impormante sa kanya.

“Napakalaki ng sinayang niyang opportunity, mahusay siyang umarte, walang makalilimot sa ginawa niyang movie nu’n na kinabog niya sa pag-arte ang kahit pinakamagaga­ling nating artista na di hamak na mas matanda sa kanya!

“Walang makalilimot du’n, super-galing siya talaga, nakapanghihinayang siya! Kung nagpakatatag lang sana siya, e, hindi niya aabutin ang ganito.

“May mga pumapansin sa kanya, inaaapiran pa nga niya, kilalang-kilala siya sa lugar na ‘yun na malapit lang sa palengke, kasi, du’n naman siya lumaki!

“May nagtanong pa nga sa kanya, ‘Idol, ano ang TV show mo ngayon? Saan ka ba namin mapapanood? Miss ka na namin, e!’ Umiiling-iling lang siya, wala raw siyang raket, kasi nga, e, pan­demya!

“Hirit na lang nu’ng miron na nagtatanong sa kanya, ‘Naku, ganu’n ba? Basta, cool ka lang, ha? Huwag ka na uling mag-iikot sa airport terminal dahil sayang ka!’

“Hay, naku! Nakakalungkot ang kuwentong ito, makaba­ngon pa sana ang male personality na ‘yun na napakaraming sina­yang sa buhay at career niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Piolo nilayasan ang SNL, lumipad pa-amerika!

Umalis pala si Piolo Pascual nu’ng isang araw papuntang Amerika. Du’n daw siya magdiriwang ng Pasko kasama ang kanyang ina at mga kapatid.

Paano na ang Sunday show ng Brightlight Productions na SNL, mababawasan ng poste ang programa, balitang sa Enero na ng susunod na taon ang balik ng singer-actor.

Sabi ng aming kausap, “Every year naman kasi, basta wala siyang ginagawang project, e, talagang lumilipad siya papuntang Amerika. Nasa Los Angeles na kasi ang pamilya ng mga kapatid niya, pauwi-uwi naman dito si Mommy Amelia.

“Since SNL lang naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon, e, nag-decide siyang mag-spend ng Christmas kasama ang family niya,” impormas­yon ng aming kausap.

May kuwentong kumalat na hindi raw masaya si Piolo sa SNL, parang napipilitan lang siyang gawin ang show, bilang respeto sa kanyang mentor na si Direk Johnny Manahan.

Isa pang dahilan ay napahiwalay siya sa kanyang mga kaibigang regular sa ASAP Natin ‘To, ilang dekada na kasi silang magkakasama at nakabuo na sila ng magandang samahan, na pinahahalagahan ni Piolo.

Pero medyo naguluhan kami sa isang kuwentong sinabi ng aming source, nagpaalam din daw si Piolo sa mga ehekutibo ng ABS-CBN, nag-iwan siya ng salita na babalik lang siya dito kapag meron nang project sa kanya ang network.

Kapamilya pa rin pala si Piolo Pascual, hindi pa siya nagpapaalam sa istasyon, anumang oras ay babalik pa rin siya kapag may nakahanda nang trabaho para sa kanya ang network.

Napakalaki naman kasi ng utang na loob niya sa ABS-CBN, ang network na ipinasarado ang naging tahanan niya nang ilang dekada na ngayon, hindi niya ‘yun basta-basta maitatapon.

Maganda ang ginawa ni Piolo, hindi siya nagsunog ng tulay na tinawiran niya nang mahabang panahon, marunong tumanaw ng utang na loob ang papa ng bayan.

vuukle comment

COVID-19

FEMALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with