^

PSN Showbiz

Kim, kinabog ang mga basher

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, kinabog ang mga basher
Kim

Totoo nga ‘yung sinabi ni Kim Chiu na kung minsan sobra na rin naman ‘yung mga tao na nakikibasa lang sa Instagram niya, kung mag-comment wagas.

Mukha namang very sweet at level headed si Kim, aside from sa nakikita mong very jolly siyang tao.

Tutal naman kahit ano ang pinagdaraanan ni Kim, hayun maganda pa rin ang kanyang career. Kadalasan nga ‘yung atake sa kanya nakakatulong, gaya ng nangyari sa Bawal Lumabas.

Maganda ang pagharap ng Kim sa mga nega na ginagawa ng ilan, so sino ang nagwagi? Si Kim Chiu noh! Siya pa ang winner. Go girl, basta ipakita mo lang ang dimples mo, winner na. Hah hah hah.

Magikland, movie nina Alfred at Jinggoy, nakakahinayang

Ang ganda ng lineup ng mga pelikula na kasali sa filmfest ha. Sayang nga na hindi pa bukas ang mga sinehan, at hindi pa puwedeng lumabas ang mga bata.

Sayang na sayang ‘yung timing ng pelikulang Magikland, ‘yung drama movie nina Alfred Vargas, Iza Calzado, Shaina Magdayao, plus ‘yung ginawa nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Siguro kung bukas ang mga sinehan, magiging malakas ang laban ng mga pelikulang ito dahil maganda ang pagkakagawa.

Ang laki ng gastos ng Magikland at talagang hindi tinipid dahil bale ito ang signature movie ng theme park sa Bacolod na talagang mala-Disneyland kaya forever mapapanood sa loob ng theme park.

Sana naman kahit sa bagong paglalabas ng movies, suportahan ng mga manonood dahil talagang kailangang bumangon nang husto ng showbiz.

Magagandang pelikula na talagang magiging malaking entertainment para sa lahat ngayong Pasko. Support the festival, ‘di ba Noel Ferrer. Nice lineup talaga.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with