^

PSN Showbiz

Female personality noon pa ugali ang pagiging reklamadora!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit pa siguro ipatawas ngayon ang iba-ibang grupong nagtatrabaho sa mga istasyon ay magdadalawang-isip na silang kunin ang serbisyo ng isang female personality na walang hinahanap kundi publisidad.

Para siyang pulitiko. Kapag wala siyang makitang butas ay sadya siyang gagawa ng kung anu-anong kuwento para lang mabutasan ang kanyang katransaksiyon.

Sayang ang female personality na ito na meron naman talagang talento, nakatatawid nga siya sa pagkanta at pag-arte, pero sinasayang niya ang magagandang oportunidad na dumarating sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Wala na siyang raket ngayon sa pagpe-perform, hindi na puwede ang mga piyesta-piyesta, ipinagbawal ang matataong okasyon ngayon.

“Kailangang i-observe ang social distancing, maraming raket niya ang nasagasaan, kaya pag-arte naman ang tinutumbok niya ngayon,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Sa panahon ngayon ng pandemya ay napakaraming artistang nawalan ng trabaho. Para lang kumita ay nakikipagkita sila sa gitna, kahit nabawasan ang kanilang talent fee nang malaking halaga ay puwede na rin, may pagkakakitaan lang sila.

“Sumusunod sila sa health protocol, nagpapa-swab test sila, lock-in ang trabaho nila. Wala kang maririnig na kahit anong kuwento. Trabaho lang sila nang trabaho.

“Ibang-iba ang female personality na ito na masyadong makiyaw! Napakamareklamo! Maarte! Binigyan na nga siya ng trabaho, pero nagpapairal pa rin siya ng kakaibang attitude!

“Kunsabagay, hindi na bago ito! Kahit naman bilang singer, e, ganyan na rin siya kahirap makatrabaho! Marami siyang kaartehan, sobrang mareklamo siya, kaya lumiit na nang lumiit ang kanyang mundo!

“Kinuha siya sa taping ng isang production, tama bang mag-inarte pa siyang pumili ng makakasama niya sa hotel room? Aba, sino naman ang nagbigay sa kanya ng karapatan para maging choosy pa, e, hindi naman siya ang bida?

“Wala na talagang paggaling ang kahitaran ng female personality na ‘yun na gustung-gustong napag-uusapan siya! Napakahilig niya sa publicity, kesehodang katawa-tawa na siya!

“Naku, never again, sabi ng mga talent coordinator, wala na siyang maaasahan pang guesting, bumalik na lang siya sa pagbuka-bukaka sa entablado, tutal, du’n naman siya magaling! Mag-split na lang siya, ‘no!” napapailing na pagtatapos ng aming impormanteng imbiyerna sa female performer.

Ubos!

Heart, hindi kinayang tapatan ng luxury brands ang depresyon

Iniidolo si Heart Evangelista. Hindi lang nakakulong sa pag-arte ang kanyang talento, anak din siya ng sining na biswal, mahusay siyang pintor.

Bukod du’n ay pinahahalagahan din siya bilang mahusay na influencer ng iba-ibang sikat na magazine sa buong mundo, pinakakain ng alikabok ni Heart Evangelista ang kanyang mga kasabayan, katangi-tangi siya bilang isang personalidad.

Ipinanganak si Heart na may gintong kutsara sa bibig, buena familia ang kanyang pinagmulan, kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang magtrabaho para lang siya mabuhay.

Pero nakalulungkot malaman na sa estadong ‘yun ng magandang aktres ay inaapuntahan pa rin pala siya nang ma-tinding depresyon. Walong iba-ibang doktor na pala ang kanyang pinupuntahan para isangguni ang kanyang kalagayan.

Meron daw siyang naririnig na mga nagsasalita, parang binubulungan siya, ganu’n na lang ang kanyang pag-aalala. Depresyon ang dahilan. Kung saan nanggagaling ang nararamdaman niya ang tinututukan ni Heart ngayon.

Kung si Heart na meron na ng lahat ng materyal na bagay sa mundo ay nakakaranas pa ng depresyon, kung si Heart na nakakakain ng anumang gusto niya at nahihiga sa pinakamahal na kama at kayakap ang malalambot na unan at branded na kumot ay inaatake pa ng depresyon, paano na lang ang mga kababayan nating walang makain at walang bubong na masisilu-ngan dahil sa baha at bagyo?

Wala nang dahilan kung tutuusin para dalawin pa ng depresyon si Heart. Nasa kanya na ang lahat. Pero hindi pa rin pala ligtas sa depresyon ang tulad niya.

Nakakalungkot pero totoo. Mabibili natin ang pinakamahal na kama pero hindi natin mabibili ang mahimbing na tulog. Kaya nating umorder ng pinakamasarap na pagkain pero hindi natin kasamang mao-order ang gana o appetite.

Makakaya nating bilhin ang pinakamahal na brand ng gamot pero hindi ibinebenta sa anumang botika ang perpektong kalusugan. Puro remedyo lang ang naibibigay at hindi lunas sa sakit.

Tama nga. Ang mga bagay-bagay na nagpapaligaya sa atin ay hindi nasasalat, hindi nabibili, hindi nahihingi.

Nararamdaman lang.

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with