^

PSN Showbiz

Mindanao ni Judy Ann, susubok sa Oscars

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mindanao ni Judy Ann, susubok sa Oscars
Judy Ann
STAR/ File

Aww, napili ang pelikulang Mindanao starring Judy Ann Santos para ipadala ng Pilipinas sa judges ng 93rd Oscars’  International Feature Film category.

Official entry sa Metro Manila Film Festival last year ang Minda­nao kung saan nanalo pa ito ng Best Picture, Best Actress for Juday and Best Actor for Allen Dizon.

Ang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si former Miss Body Beautiful Vi­vian Velez ang ang nag-announce tungkol dito.

“We are pleased to announce the selection of the feature film, “Mindanao,” as the Philippines’ official entry to the 93rd OSCARS International Feature Film category.

Mindanao won best picture in the most recent Metro Manila Film Festival and featured Judy Ann Santos and Allen Dizon as the lead actors, directed by Brillante Mendoza.

Congratulations and best wishes!

Vivian Velez
Director General
Film Academy of the Philippines”

Nanalo ring best actress si Judy Ann sa Cairo Internatio­nal Film Festival 2019 para sa pelikulang ito na obra ni Direk Brillante Mendoza at nakasali na rin ito sa Busan International Film Festival.

Naaala ko pang matagal naka-move on si Judy Ann last December sa pagkapanalo niyang best actress sa Cairo International Film Festival.

Unexpected kasi noon para sa kanya ang nasabing panalo dahil nga wala raw sa kamalayan niya na nominated siyang best actress.  “Nang sabihin niyang (Direk Brillante) sa Cairo, hindi naman ako makakasama kasi totoo namang siksik, liglig ang schedule ko,” naalala kong dialogue ni Juday nang makausap namin habang bitbit ang trophy niya last December na wala pang pandemic.

Pakiramdam niya noon, apat na Christmas gift na ang katapat ng nasabing trophy.

Pero sadly hindi nga gaanong kumita ito sa MMFF.

Ang Mindanao ay kuwento ng isang nanay na Muslim na may anak na maysakit na cancer. Asawa niya rito si Allen Dizon na guma­ganap naman isang sundalo.

Masakit sa puso ang kuwento ng pelikula pero ang husay naman talaga ni Juday.

Anyway, nangangailangan ng malaking budget for PR campaign ang isang pelikulang pinadadala ng iba’t ibang bansa para makasali sa short list man lang ng Oscars  International Feature Film category.. Otherwise, ‘pag walang awareness ang judges, waley din.

Hindi ito ang first time na napili ng FAP ang movie ni Juday para subukan kung makakapasok sa International Feature Film category. Napili na noon ng FAP ang Ploning - 2009. Kinarir noon ni Juday ang campaign para mapansin ito, pero sadly, hindi ito napasama sa official list.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with