^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad, parang bao na ang ulo, laging inaayawan ng manager

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo pala ang kuwentong may katigasan ang ulo ng isang magandang female personality. Kung gaano kalambot tingnan ang kanyang itsura ay singtigas naman ng bao ang kanyang ulo.

Ilang manager na ang humahawak sa kanyang career, pero kusang bumibitiw, walang nakatatagal sa kanyang kakaibang ugali. Sumusuko ang humahawak ng kanyang karera dahil hindi sila nagkakasundo.

Kuwento ng isang impormante, “Iba rin ang attitude ng girl na ‘yun! May sariling mundo rin siya! Kung ano ang gusto niyang gawin, go lang siya nang go!” unang sultada ng aming source.

Naloloka kasi ang manager ng female personality, kausap lang siya nito nu’ng nakaraang araw, nang i-check nito ang kanyang alaga ay nasa ibang bansa na pala!

Patuloy ng aming source, “Di ba naman, nakakaloka siya? Umalis ang hitad nang hindi man lang nagpapaalam sa ma­nager niya! Paano na lang kung meron siyang commitment na nasagutan, paano na?

“Ano ang gagawin ng manager niya, hahanap ng clone niya? Ganu’n kasi siya, kung ano ang maisip, e, gagawin niya nang wala man lang pasintabi!

“Kaya para wala nang usapan, bumibitiw na lang si manager, nakakainis na nga naman ang mga pinaggagagawa ng alaga niya!” kuwento uli ng aming source.

Pagkatapos ng dati niyang manager ay may pumasok ­uling isa, malapit sa kanyang pamilya ang bagong hahawak sa kanyang career, akala nito ay wala nang maitatagong attitude sa kanya ang female personality.

“Meron pa rin pala! Hindi pa pala niya kilala ang girl mula ulo hanggang paa! Napahiya ang manager sa isang ahensiyang kumukuha sa kanyang alaga bilang endorser.

“Nakipag-meeting na ang manager, plantsado na ang lahat, napag-usapan na pati ang talent fee ng kanyang alaga. Nu’ng mag-usap sila ng girl, ayaw nang gawin ang project! May tinanggap na raw siyang ibang produkto!

“Patay! Paano na ang agency na nakipag-meeting sa manager niya? Ano na ang gagawin ng manager, samantalang tumanggap na pala ng ibang endorsement ang kanyang alaga?

“Naturingan siyang manager ng girl pero hindi naman pala siya ang masusunod, ang manager pala ng girl, e, ang sarili niya, kaya nag-resign na lang ang manager!

“Matigas ang ulo ng babaeng ‘yun! Kahit nga ang mismong family niya, e, walang magawa sa katigasan ng ulo niya! Kung gaano kaigsi ang name niya, e, napakahabang problema naman ang naeengkuwentro ng mga nagiging manager niya sa katigasan ng ulo niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jinkee tuloy ang paglalantad ng kayamanan

Heto na naman. Parang paulit-ulit na lang ang takbo ng kuwento. Makakatikim siya ng mga bira sa social media, aaray lang siya sandali, pero balik na naman siya sa dati.

Nasa gitna na naman ng kumukulong tubig ngayon si Mrs. Jinkee Pacquiao. At ang masakit pa sa pagkakataong ito ay damay ang kanyang mister na senador at kampeong boksingero.

Dati nang napag-iinitan sa social media si Jinkee dahil sa paglalantad sa kanilang kayamanan. Pandemya ngayon pero naglalabas siya ng mga retrato at video sa kanyang IG account ng kanyang mga luho.

Ngayon naman, sa kasagsagan ng kahirapan sa mga probinsiyang sinalanta ng magkakasunod na bagyo ay lumabas ang retrato nilang mag-asawa na puro branded na naman ang suot na damit at sapatos ni misis, si mister naman ay nag-post na “little things” lang daw ang ipinakikita nilang mag-asawa.

May nakakilala sa background nila, ‘yun ang bahay nila sa Forbes Park na bilyon ang halaga, ‘yun daw ba ang tinutukoy ni Senador Manny Pacquiao na kasama sa “little things” lang na sinasabi nito?

Siguradong alam ng mag-asawa ang dinaranas ngayon ng mga kababayan natin sa Marikina, sa iba pang mga bayan sa Rizal, sa Cagayan at Isabela, sa Mt. Province at sa Kabikulan.

Hindi puwedeng hindi nila alam ang matinding pagdarahop ng mga sinalanta ng kalamidad, kaya para sa mga netizens na nag-oopinyon na hindi ngayon ang tamang panahon para sa pagpapakita ng kanilang karangyaan ay may pinagmumulan, may katotohanan ‘yun.

Marami pang nalalabing pagkakataon para ipagmalaki nila ang yaman na meron sila, pero huwag lang muna ngayon, kung kailan napakaraming nawalan ng bubong, maraming sakahan ang tinunaw ng baha, may mga buhay na naibuwis sa kalamidad at ni wala ngang makain ang mga pinahirapan ng bagyo at baha.

Kontra-tiyempo ang pagpapakita nila ng mga luho, napakalaking insulto ‘yun para sa mga nagugutom nating kababayan, hindi naging maganda sa panlasa ng mga Pinoy ang inilabas nilang larawan.

Sabi nga ni prop, “Okey, pera naman nila ‘yun, wala naman silang ninakawan o inabalang kahit sino sa pagbili ng mga branded nilang kasuotan.

“Pero may tinatawag tayong tamang timing. Sa pagkanta, e, sintunado ang ganu’n, sa pagsayaw naman, e, kontra sila sa tugtog, hindi man lang ba nila naiisip ‘yun?”

vuukle comment

JINKEE PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with