^

PSN Showbiz

Aktres libo kung mag-tip sa staff ng resort, aktor nadiskubre ang kababuyan sa lock-in

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakatakda nang mag-resume ng taping ang isang drama series, pero nagkaproblema lang sila sa ilang staff nila dahil nagpositibo pala sa COVID-19 pagkatapos silang ma-swab test lahat. Kaya naghanap pa sila ng kapalit sa ilang staff na nakumpirmang may COVID-19. Ang narinig kong kinuhang staff ay galing sa isang teleserye na katatapos lang mag-­taping.

Perfect negative ang lahat na involved sa katatapos na taping, mula nang magsimula hanggang sa exit swab test kaya maayos ang taping kahit may kahigpitan talaga sa safety protocols at guidelines na kailangang sundin.

Nakarating nga sa amin ang kuwentuhan ng ilang staff ng isang resort hotel na tinuluyan ng grupo ng isang drama series na nag-taping malapit doon. Puring-puri ng mga staff si aktres na isa sa mga bida sa seryeng ito na may pagka-galante na tuwing lumalabas daw ito ‘pag umaga para makalanghap ng sariwang hangin.

Sumasakay daw ito sa golf cart at pumapasyal doon bago siya maghanda sa taping. At nag-aagawan daw ang mga staff na mag-drive sa golf cart na sasakyan ni aktres dahil bongga itong mag-tip. Pinakamababang give daw sa magda-drive ay tumataginting na isang libong piso.

Kahit nga sa mga naglilinis daw ng kuwarto niya ay nag-aagawan din sila dahil tiyak na may tig-isang libong naaabot sa kanila.

Kilala naman talagang galante si aktres at matulungin kaya hindi naman siya nawawalan ng trabaho.

Pero may ilan pang kuwento kaming narinig na nakarating na raw sa bosses. Ewan ko lang kung magustuhan ito ng fans niya.

Samantala, may isang hunk actor din na kasali sa taping ng isang drama series na inaayawan naman daw ng mga hotel staff na maglinis sa kuwarto niya dahil sobrang dumi raw at iba raw talaga ang amoy na sasalubong sa iyo pagpasok mo ng kuwarto.

Talagang burara raw itong si aktor na napakarumi raw ng kama na hinihigaan niya. May nakikita raw silang sauce ng adobo, menudo at iba pang ulam dahil sa kama raw niya ito kumakain.

Kung saan-saan daw nakasampay ang brief na pinaghubaran. Madalas pa raw ay hindi raw ito naliligo pagkatapos niyang mag-workout.

Hugas-hugas lang daw bago pumunta sa ­taping, kaya minsan ay naaamoy pa raw ito ng ilang kaeksena niya at mga staff.

Noon pa man ay natsitsismis na raw itong bagsak sa hygiene, at hindi pa rin nagbabago.

Iyan lang talaga ang isa sa nadidiskubre kapag naka-lock in ng taping. Diyan nakikita ang tunay na ugali ng isang artista kapag nakakasama ng ilang araw sa lock-in taping.

JK, ‘di nadalaw si Maureen nang magka-COVID

Kinabahan talaga si Maureen Wroblewitz nang nakumpirma niyang positibo siya sa COVID-19. Pero nakabawas sa kanyang pag-aalala ang maraming nag-asikaso sa kanya kaya kahit mag-isa lang siyang naka-quarantine sa kanyang condo unit, ang daming nagpadala ng mga gamot, vitamins, pagkain, mga prutas para sa kanyang pagpapagamot at ma-boost ang kanyang immune system.

Ang tanong ngayon ng karamihan, paano si JK Labajo? Hindi kaya siya nahawa? Ang narinig namin matagal na palang hindi nagkikita ang magkasintahan.

Nandito sa Pilipinas na naka-base ang daddy ni Maureen na isang German at may mataas na posisyon sa isang kumpanya. Pero hindi sila magkasama sa isang bahay, pero lagi raw naka-monitor sa kanya ang kanyang ama. Kaya hindi raw basta-bastang makakapunta si JK sa condo unit ni Maureen.

Bukod pa riyan, may pinagdadaanan din si JK kaugnay sa kaso niya kay Darren Espanto, kaya ito muna ang hinaharap niya.

Ayaw lang magsalita ng kampo ni JK pagdating sa kaso niya kay Darren dahil nasa prosecutor’s office pa ito at pinag-aaralan pa kung aakyat ito sa korte.

Nasa Canada naman si Darren, kaya hindi rin siya makapagsalita kaugnay dito.

Pero iisa lang naman ang hangad ng mga katrabaho nila, lalo na’t pareho silang nasa isang recording company, kaya ginagawan ng paraan na magkaayos na sila at iatras na ang kaso.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with