^

PSN Showbiz

Bawal lumabas ni Kim, unang mapapanood ng mga Pinoy sa abroad

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bawal lumabas ni Kim, unang mapapanood ng mga Pinoy sa abroad
Kim

Bongga ang ABS-CBN shows. Wala mang franchise ang network, pinalalakas naman nila ang digital platforms nila.

Ngayon nga ay mas mabilis pa silang mapapanood ng Pinoy fans saan man sila sa mundo sa pagsasanib ng dalawang streaming platforms ng network para maging iWantTFC - iWant and TFC. At ito umano ang unang Pinoy streaming platform na available na ngayon para sa mga Pilipino sa buong mundo.

At sa bagong iWantTFC, mas mauuna pang mapapanood ng users nito sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at  Bagong Umaga, 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel. At puwede rin pala nilang ma-enjoy ang tuluy-tuloy na panonood nang walang ads.

At sa iWantTFC nila eksklusibong napapanood sa buong mundo ang bagong Kapamilya teleseryeng La Vida Lena.

Dito rin unang ipalalabas ang mga bago at paparating na Originals gaya ng Bawal Lumabas nina Kim Chiu, Kyle Echarri, at Franchine Diaz; Hoy Love You na itatampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa; I Can Wait Forever nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte; He’s Into Her nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz, ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada.

Bukod naman sa My Lockdown Romance at weekly episodes ng The House Arrest of Us, malapit na ring mapanood dito ang upcoming Star Cinema movies mula CineXpress na Boyette at Four Sisters Before the Wedding ngayong taon.

Samantala, libre naman daw na mae-enjoy ng users sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng currently airing ABS-CBN shows sa loob ng pitong araw. Eksklusibo ring mapapanood dito ang Thai series na Theory of Love at  The Shipper ngayong taon.

At sa bagong iWantTFC, mayroon ding offline viewing ng mga piling pelikula at show sa app na pinapayagan silang mag-download ng palabas at panoorin ito kahit walang internet at available na ito sa mga piling TV brands, pati na sa Roku at Telstra TV.

Para magkaroon nito, kailangan lang mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app.

 Para ma-access ang pinakamalaking koleksyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, may tatlong subscription plans na mapagpipilian---free, standard, at premium.

 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with