^

PSN Showbiz

Mark, laglag sa station id ng kapuso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark, laglag sa station id ng kapuso
Mark Herras

Ewan ko kung bakit hindi nasama sa Christmas ID ng GMA7 si Mark Herras.

Anuman ang naging dahilan sa desisyon na iyon, palagay ko naman ay tama at dapat tanggapin. In fairness, maganda ang presentation at pagkakagawa ng Christmas ID, nagbigay ng hope for a better tomorrow, at pag-asa sa mga medyo nawawalan na ng lakas ng loob.

Ok naman ang line up of stars, na­ging ob­vious nga lang na wala si Mark Herras dahil nandun ang ibang mga StarStruck, at siya na first winner ay wala.

Hanggang ngayon hindi ko pa alam ang dahilan, puwedeng hindi available si Mark sa araw ng shoot o puwedeng baka hindi na siya isinali dahil wala siyang regular show.

Maraming puwedeng maging dahilan, pero hindi dapat ikagalit kung sakali dahil hindi naman porke hindi ka nasama, balewala ka na.

Tanggapin natin ng maluwag kung anuman ang reason at bakit hindi nasali si Mark.

At si Mark mismo, dapat din maisip bakit nga hindi siya naisama.

Eye opener ito para sa kanya. At sana itanong ni Mark sa sarili niya mismo kung bakit, at sana nga ito ang maging daan para siya mismo ay magsikap na dapat kasali siya dahil importante siya.

Imposible kasi na hindi ka isali pag importante ka, kaya dapat, lagi kang importante.

Basura sa kalye parang hindi nauubos

‘Pag dumaan ka sa lahat halos ng kalye, ang mapapansin mo ay ang basura dahil si­guro sa mga dahon at halaman na nasira sa bagyo.

Hindi ko talaga maintindihan ang dami ng mga basura na nakikita sa kalye kung saan nanggaga­ling eh, in fairness ha, ang galing din ng waste system natin.

Madalas kong makasabayan sa kalye ‘yung trak ng basura, malalaki ang mga trak na kitang-kita mo punung-puno ng nakuhang mga dumi sa kalye.

Kahit nga holidays, regular na dumara­ting ang kumukuha ng mga basura, kaya naman natutuwa ako na makita ang mga kapitbahay ko na nag-aabot ng pagkain o barya para sa kanila.

Imagine, ang sinusuong nilang problema ngayong pandemic, at magkano lang ang kinikita nila. Kaya talagang frontliners din sila, malaki rin ang sakripisyo nila para sa ating lahat.

Pero sa totoo lang, bakit nga ba ang dami nating basura?

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with