^

PSN Showbiz

Sikat na gay personality, mahilig mamersonal

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit nga ba ganu’n? Lahat ng nakakatrabaho ng isang sikat na gay personality ay naglalabas ng sama ng loob tungkol sa kanya? Sa tagal ba na magkakatrabaho sila ay wala man lang maalalang positibo ang mga ito tungkol sa sikat na gay personality?

Totoo bang hanggang sa mga ulap na ang kayabangan-kaangasan ng beking personalidad? Nakapagtataka lang kung bakit wala man lang pumupuri sa kanya?

Kuwento ng isang source, “Kahit naman nu’ng hindi pa siya ganyan kasikat, e, maangas na ang baklang ‘yun! Kahit nu’ng nasa comedy bar pa lang siya, e, marami nang nabubuwisit sa kanya!

 “Ang tingin na niya talaga sa sarili niya kahit nu’n pa, e, iba siya sa iba. Siya na ang pinakamatalino, siya na ang pinakamagaling, siya na ang lahat-lahat!” unang sultada ng aming impormante.

Sinuwerte ang gay comedian, naging mabait sa kanya ang kapalaran, sumikat siya at yumaman nang sobra-sobra pa sa kanyang inaasahan.

Balik-kuwento ng aming source, “Du’n sa pinagrereynahan niyang show, e, nagagawa niya ang lahat ng kanyang gusto. Super-blessed siya, kasi, bawal sa ibang hosts ang ganito at ganyan, pero puwede para sa kanya!

“Kailangang nasa studio na ang buong production at ang mga hosts sa ganu’ng oras, pero ang bumibidang beki, naghihilik pa, late na siyang dumarating sa set!

 “Nagpalipat na nga ng show ang isang production staff dahil sa kanya. Mahirap kasi siyang disiplinahin, wala siyang pinakikinggan, kaya sa sobrang inis ng staff na may mataas na position sa show, e, nagpalipat na lang sa ibang pograma!

 “Sobra ang kayabangan ng bakla! Feeling high and mighty talaga siya, sa totoo lang!” impormas­yon pa ng aming source.

Nakakaloka rin ang kuwentong mahilig mamersonal ang beking personalidad. Punumpuno kuno ng galit ang kanyang puso para sa mga taong kahit hindi naman sadya ay nakapanakit sa kanyang damdamin.

 “’Yun gay comedian na hindi natuloy ang gues­ting sa show nila na naghanda na para du’n? Utak niya ‘yun! Pasado na sa ibang nag-a-approve ang idea na i-guest ang gay comedian, pero hinarangan niya!

“Kumampi daw kasi ‘yung beking komedyante sa isang nakaaway niya! Tama ba ‘yun? Inabala na nila ‘yung tao, pinaghanda na para sa performance niya, pero babarilin lang pala ng bumibidang host ang guesting nu’ng tao?

“Naku, isa lang ang sinasabi ng mga taong sinasaktan niya. Kapag bumagsak siya, e, lagapak talaga ang lakas! Kailangan pa bang i-memorize kung sino ang maangas na beking ito?” naiinis ding pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Raffy at Willie, nililigawan na ng mga pulitiko para sa 2022

Dalawang sikat na personalidad sa kani-kanilang linya ang “nililigawan” na ngayon ng mga emisaryo ng iba-ibang partido para makatiket nila sa 2022.

Malayo pa para sa marami ang eleksiyon, pero para sa mga tagapamuno ng mga partido ay ilang tulog at gising na lang ang halalan, kaya ngayon pa lang ay gusto na nilang makuha ang pagsang-ayon ng kanilang mga napupusuang patakbuhin.

Dalawang sikat na personalidad ang ineengganyo ngayon ng mga lider-pulitiko para kumandidato bilang senador sa 2022.

Una ay si Raffy Tulfo, ikalawa ay si Willie Revillame, mababangong pangalan ngayon dahil sa kabusilakan ng kanilang puso sa pag-ayuda sa ating mga kababayang sinalanta ng kalamidad.

Sa mga news programs ay hindi na bago ang ganitong panawagan ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong, “Kuya Wil, tulungan mo naman kami. Wala na kaming bahay, tinangay ng baha, wala rin kaming pagkain, tubig at maisusuot na tuyong damit.”

Napakaraming pulitikong puwede namang hingan ng ayuda ng mga nasalanta, pero ang pangalan ni Willie Revillame ang sentro ng kanilang panawagan, ganu’n katindi ang presensiya ng pangalan ng TV host para sa mga kababayan natin.

Kasi nga, araw-araw ay napapanood siya sa Tutok To Win na namimigay ng mga papremyo. May beinte mil na may kasama pang tablet, may daang libo, at kapag mga espesyal na araw ay milyunan pa nga ang papremyo ni Willie sa tulong ng kanyang mga sponsors.

Nakikita rin siyang nagbibigay ng tulong sa mga lugar na binagyo o nilindol, nagbebenta pa siya ng mga ari-arian para lang makapag-ayuda, ‘yun ang imahe ni Willie Revillame sa utak ng mga Pinoy.

Iba naman ang pagtanggap ng ating mga kababayan kay Raffy Tulfo. Tagapagtanggol siya ng mga naaapi, sagot sa problema ng ating mga kababayang walang kalaban-laban, kapag lumapit at nagsumbong ka kay Raffy Tulfo ay may solusyon na ang problema mo.

At hindi lang legal na aksiyon ang ibinibigay ni Raffy Tulfo, ibinabahagi rin niya ang kanyang mga biyaya sa walang-wala, truck-truck na tulong ang ibinahagi niya sa mga taga-Isabela at Cagayan kailan lang.

Ang kanyang katwiran, “Mabait sa akin si Lord, maraming biyayang dumarating sa akin, kaya isine-share ko naman ‘yun sa mga nangangailangan.”

Iisa lang ang pananaw nina Willie at Kuya Raffy, tumutulong sila sa abot ng kanilang kakayahan kahit wala silang posisyon sa ating pamahalaan, bukal ‘yun sa kanilang puso nang wala silang inaasahang kapalit na boto kapag halalan.

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with