^

PSN Showbiz

Mag-amang Gabby at KC, bumawi sa matagal na ‘di pagkikita

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mag-amang Gabby at KC, bumawi sa matagal na �di pagkikita
Gabby at KC

Tumawag sa amin ang isa na­ming kaibigan, at sinabing tingnan daw namin at panoorin ang isang video na inilabas ni KC Concepcion.

Akala naman namin ay kung ano. Madi­lim ang video at nakikitang naglalakad si KC sa isang kalye sa bandang Makati, at ang sabi niya excited daw siya dahil mayroon siyang ka-date that evening.

Mahaba-haba rin ang nilakad niya, hanggang sa makita niya ang ka-date niya sa kabilang side ng kalye at tinawag niya agad iyon, pasigaw na sabi niya “Papa.” Si Gabby pala ang kanyang ka-date. Wala silang pakialam kung nasa kalye sila, nagyakapan ang mag-ama at walang tigil si KC sa kauulit na “I love you Papa.” Si Gabby naman ay tila sabik na sabik din sa anak, na ang sabi “it’s been a long time.”

Ito pala ang first time na nagkita ang mag-ama simu­la noong lockdown, eh ilang buwan na nga naman iyon. Simula kasi nang magbalik si Gabby sa Pilipinas ilang taon na rin ang nakararaan, madalas naman silang magkita ni KC, ngayon nga lang dahil nakulong si Gabby ng lockdown sa Batangas. Si KC naman hindi rin makapunta roon dahil sa lockdown restrictions.

May panahong nagkahigpitan talaga na hindi ka makakapasok sa Batangas kung wala kang dalang medical certificate na magpapatunay  na sumailalim ka na sa swab test, tapos kailangan mo pa ng travel permit sa lahat ng bayan na dadaanan mo.

Tumuloy sila sa isang restaurant noong gabing ‘yun, at doon nag-bonding nang husto. Hindi na iyon ipinakita sa video ni KC. Pero tiyak na iyon ay isang napakasayang bonding.

Matagal din kasi silang nagkahiwalay, isipin ninyo iyong 13 taong nanirahan sa US si Gabby.

Pero simula naman noong nagbalik siya sa Pilipinas, talagang tinitiyak niyang magkikita sila nang madalas ng anak.

Mayor Goma, pinayaman ang Ormoc

Natawa kami doon sa listahang ginawa ni Mayor Richard Gomez, kung saan sinabi niya kung ano ang qualities ng isang presidente ng Pilipinas dapat,  para sa kanya. Sinimulan niya sa mga salitang “sumasalubong sa bagyo”, “humihigop ng baha”, “nagtataboy ng ulan”, “sumasalo ng landslide”.

Binabasa namin ang mahaba niyang listahan ng qualities ng dapat na maging presidente, tawa kami nang tawa. Sinumpong na namang magbiro si Goma, pero malalim ang birong iyon para sa ibang parang ganoon na nga ang hina­hanap sa isang presidente.

Minsan ang mga biro ni Goma, biro nga pero isipin mo at may laman ang kanyang sinasabi. Iba talaga ang utak ni Goma, at ginagamit niya nang tama ang utak niya.

Isipin ninyo, ang Ormoc City ngayon ang pinaka-mayamang local government sa Eastern Visayas, at panlima sa Visayas-Mindanao region.

Mas malinaw na sex video ng aktor, nagkalat na

May kumakalat na namang sex video ang isang male star. Ang akala namin, iyon ang dating video niya na kumalat na rin at inamin naman niyang kagagawan daw ng “tito” niya. Pero may nagpakita sa amin, ibang video pala at mas maliwanag itong bago. Hindi niya maikakaila na siya nga ang nasa video.

Sa una ay may kasama siyang babae, tapos sa bandang huli ay siya na lamang mag-isa. Ang suspetsa ng aming source, posibleng ang nagkalat daw noon ay ang gay lover ng male star, dahil nagkakalabuan na yata sila ngayon.

May suspetsa raw kasi ang gay lover ng male star, na bukod sa kanya ay may iba pa iyong mga gay benefactor.

Ang sabi nga nagtalakan na raw sila ng bakla, baka kaya ikinakalat na ngayon ang video, dahil natuluyan na silang nag-split.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with