^

PSN Showbiz

Christmas serye ng TV5, tambak ang artista

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Christmas serye ng TV5, tambak ang artista

Ang ganda ng trailer ng Paano ang Pasko ng IdeaFirst na mapapaood sa TV5 beginning November 23.

Ramdam ang lungkot, pero alam mong ang touching ng message at magbibigay ng pag-asa sa mga manonood.

Kaya naman nagpapasalamat si Direk Perci Intalan na binigyan sila ng chance ng Cignal / TV5 na gawin ito.

Nagpasalamat din si Mr. Robert Galang, President and CEO of TV5 Network and Cignal TV, na nagkaroon din ang network ng pagkakataon na pagsama-samahin ang maraming artista sa palabas na pinangungunahan ni Maricel Laxa.

Nahinto ang tradisyonal na okasyon at kasiyahan tuwing Kapaskuhan dahil sa pandemya kaya sakto ito sa mga kasalukuyang pangyayari.

Ang kuwento nito ay isinulat ng Palanca Hall of Famer na si Jun Robles Lana sa direksyon nina Enrico Quizon, Ricky Davao at Perci Intalan.

Umiikot ang kwento sa pagsasama-sama ng pamilya tuwing panahon ng Pasko at kung paano naging hadlang sa isang masayang okasyon ang hindi magandang pangyayari ng nakaraan.

Aside from Maricel, bida rin dito si Julia Clarete na gaganap bilang Love na ang tagal ding hindi napanood na umarte.

Kasama rin sa cast si Beauty Gonzales, Elijah Canlas na bibida sa kanyang unang teleserye matapos mapanalunan ang Best Actor sa 17th Asian Film Festival sa Rome at sa 43rd Urian Awards.

Kabilang din sa Paano... ang mga batikang aktor tulad nina Ricky Davao - bukod sa pagiging direktor - and Allan Paule with Ejay Falcon, John Sweet Lapus, Matt Evans, Danita Paner, Devon Seron, Cedrick Juan, Ace Ismael at Justine Buenaflor.

Si Jona ang kumanta ng theme song na Pasko Na Sinta Ko.

Eere ito Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 p.m. sa TV5.

Sa Zoom conference kahapon ng teleserye ay nagpapasalamat ang buong cast na nagkaroon sila chance na gawin ito lalo na nga’t ang daming naghahanap ng trabaho sa kasalukuyan.

vuukle comment

CHRISTMAS

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with