^

PSN Showbiz

Ryza, nahihirapang mag-alaga ng anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryza, nahihirapang mag-alaga ng anak
Ryza

October 31, 2020 nang ipanganak ni Ryza Cenon ang supling nila ng kasintahang si Miguel Cruz. Kahit isang ganap na ina na ngayon ay hindi raw lilimitahan ng aktres ang mga gagawin kapag nagbalik na sa trabaho. “Wala namang restrictions, gano’n pa rin, wala namang magbabago. Siyempre part po ng trabaho ko ‘yon eh. Kumbaga, idedepende ko po sa script ‘yon. Kung kailangan na kailangan talaga ‘yung mga sexual na scene, gagawin ko ‘yon. Kung hindi naman kailangan pag-uusapan namin ‘yon,” pagbabahagi ni Ryza.

Maging ang nobyo ay hindi rin umano pinagbabawalan ang aktres sa mga proyekto o eksena nitong ginagawa. “Wala naman, hindi naman, kasi siyempre nasa film industry rin naman siya. So I think naman maiintindihan niya. Wala lang sa kanya ‘yon kasi Cinematographer siya, so alam niya ‘yon,” dagdag ng aktres.

Mahigit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang manganak si Ryza kaya sa ngayon ay tuluyan pang nagpapagaling. Bilang bagong ina ay nahihirapan ang aktres sa pag-aalaga sa anak ngayon. “Medyo mahirap pala siya lalo na dahil may tahi, so hindi ka masyadong makagalaw pero kailangan mong gumalaw nang konti. Kasi kailangan mong mag-alaga ng baby dahil kailangan ka niya, pero enjoy naman. Medyo grabe lang talaga ‘yung delivery kasi ang tagal. Saka ‘yung labor ang tagal. Dahil sa tahi ko, medyo nahihirapan pa po akong maglakad-lakad pa saka magkikilos. So ‘yung mga tao dito sa bahay at si Miguel muna po ‘yung nagpapalit ng diaper. Sa pagpapadede lang po ako kailangan,” kwento ni Ryza.

Robi, nag-mature sa pandemya

Wala nang mahihiling pa si Robi Domingo sa kanyang buhay ngayon. Bukod sa kabi-kabilang programa sa telebisyon at endorsements ay mayroon na ring ilang negosyo ang TV host. Masaya at maayos din ang relasyon ni Robi at kasintahang si Maiqui Pineda. “There are different kinds of happiness in life eh. Well the romantic one naman is waking up each day, looking at that certain text message with the text, ‘Hi!’ Okay na ako do’n coming from jowa, jowa talaga,” nakangiting pahayag ni Robi.

Walong buwan nang ipinatutupad ang community qua-rantine sa bansa dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Maraming mga bagay ang natuklasan at natutunan ni Robi ngayong patuloy pa rin nating kinakaharap ang krisis. “Naging mas matured about things siguro if I have to categorize all of my learnings. I learned to be more involved not just in my community pero in everything. Even in different spheres, there’s finances, there’s politics, ang dami eh. What I learned is you don’t have to be a politician to care about your country, you have to be a citizen. Before we didn’t have that luxury of time kasi palagi akong kayod nang kayod, trabaho nang trabaho. But right now, binigyan tayo ng pause, ito ‘yung nangyayari sa buhay. It was not a great equalizer but it was a great magnifier of what’s happening right now. And the only thing na nakikita kong light dito is nakita ng buong sambayanan and we should do something about it,” makahulugang paglalahad ng TV host. -Reports from JCC

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with