^

PSN Showbiz

Pagkakaisa ng mga Pilipino, ibinida ng GMA christmas station id

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagkakaisa ng mga Pilipino, ibinida ng GMA christmas station id
Marian at Dindong
STAR/ File

Bida ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan sa 2020 GMA Christmas Station ID na may pamagat na Isang Puso Ngayong Pasko.

Hindi nga naman matitinag ang tibay ng puso ng mga Pilipino.

Sa panahong humaharap sa maraming pagsubok ang ating bansa lalo na ngayong 2020, may dalang mensahe ng pag-asa ang network  sa ating mga kababayan sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Tampok din rito ang likas na mga karakter ng Pinoy: ang walang humpay na malasakit sa isa’t isa, subok na katatagan sa gitna ng anumang sakuna at malakas na pananampalataya sa Diyos.

Binigyang pugay din dito ang magigiting na frontliners na nagsisilbing bayani laban sa banta ng COVID-19 pandemic pati na rin ang first responders nitong mga nagdaang bagyo upang sumaklolo sa ating mga kababayan. Dahil sa kanilang sakripisyo at dedikasyon, maraming buhay nga ang naililigtas.      Matutunghayan din sa station ID ang iba’t ibang initiative ng Kapuso stars upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan – karamihan sa kanila ay namahagi ng food packs sa frontliners, tulad ng Kapuso couple na sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera na siya mismong nag-prepare ng mga pagkain; Asia’s Multimedia Star Alden Richards na nag-donate mula sa kanyang restaurant; Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na namigay ng essential supplies; ang Eat Bulaga! Dabarkads sa kontribusyon nilang 3D printing machines para sa paggawa ng PPEs; Heart Evangelista na namigay ng daan-daang tablets na magagamit ng mga estudyante sa remote learning; si Willie Revillame at ang kanyang donasyon sa jeepney drivers na nawalan ng trabaho at sa mga residenteng nasalanta ng bagyo sa Catanduanes; at marami pang iba na nagpaabot ng tulong sa kani-kanilang paraan.

Sa gitna ng pandemya at ng kaliwa’t kanang kalamidad, nagpatuloy din sa paghahatid ng Serbisyong Totoo ang GMA News and Public Affairs sa pag-uulat ng mga importanteng balita at impormasyon sa araw-araw.

Pinakita rin dito pagbabayanihan at ang agarang pagresponde ng GMA Kapuso Foundation sa mga pamilyang higit na nangangailangan mula sa iba’t ibang sulok ng bansa na apektado ng pandemya at mga naging biktima ng nagdaang hagupit ng mga bagyo.

Mapapanood ang 2020 Christmas Station ID ng GMA Network sa opisyal na Facebook page at YouTube accounts nila o bisitahin ang website sa www.gmanetwork.com.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with