^

PSN Showbiz

Ryan, sinagot ang pamasahe ng Korean street vendor na nag-viral

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryan, sinagot ang pamasahe ng Korean street vendor na nag-viral
Ryan

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang isang Koreanong street vendor na matatagpuan sa Las Piñas. Siya ay si Jang Sam-hyun na ngayon ay 76 na taong gulang na.

Dalawang dekadang nakapagpabalik-balik sa Pilipinas ang noon ay negosyanteng nagmamay-ari ng isang construction company. Sa kasamaang-palad ay na-scam umano si Mr. Jang at tuluyan nang naghirap ang pamumuhay. Binalak makauwi ni Mr. Jang sa Korea pero naabutan ng community quarantine sa Pilipinas kaya naisipang magbenta ng ramen sa kalye upang mabuhay.

Nang malaman ni Ryan Bang ang tungkol sa kuwento ni Mr. Jang ay personal itong pinuntahan ng aktor. Hindi makauuwi ang It’s Showtime host sa Korea ngayong Kapaskuhan dahil sa trabaho kaya nagpaabot na lamang ng tulong kay Mr. Jang. “Wala raw siyang pamasahe papunta ng Korea. Ngayong Pasko, mukhang hindi po ako makakauwi ng Korea dahil may Showtime pa. ‘Yung pang-uwi ko po ng Korea, ibigay natin sa kanya para tulung-tulong. Kung gusto niya talaga makauwi sa Korea, ibibigay ko na lang sa kanya ‘yung ticket ko,” pagbabahagi ni Ryan.

Napaluha si Mr. Jang dahil sa kabutihang-loob na ipinakita ni Ryan. Ayon sa matandang Koreano ay ang aktor ang kauna-unahang kababayan na bumili at  tumulong sa kanya. “This may not be a lot but I want to give you money so you can go back home. I wanted to help with buying your plane ticket to Korea. I hope it helps you buy your ticket. I grew up with my grandfather. I remembered my grandpa and I was in pain when I saw the news,” paglalahad ni Ryan.

 Abot-abot ang pasasalamat ni Mr. Jang kay Ryan dahil sa ginawang pagtulong ng binata.

Iza, sobrang grateful sa ginagawa ng asawa

Ang asawang si Ben Wintle ang nakaramay ni Iza Calzado sa lahat ng mga pagsubok na naranasan ngayong panahon ng pandemya. Matatandaang nagkaroon ng covid-19 ang aktres ilang buwan na ang nakalilipas at hindi rin madali ang mga pinagdaanan bago tuluyang gumaling. “There are no words, I think words are insufficient. Okay, grateful of course pero parang hindi niya ma-quantify ‘yung gratitude na mayroon ako sa puso ko at sa isipan ko para sa asawa ko. Kasi parang ‘yung pinagdaanan ko, wala na akong mga magulang. No’ng time talaga na nangyayari lahat ‘yon, he stood not only as my husband but as my family, as the representatives of my parents. Wala pa kaming anak pero as everything. Iniisip ko rin na it must have been hard for him na napakahirap dalhin lahat no’n. He did it na napakalakas, nakapa-gracious, puno ng pagmamahal. Kaya I am beyond grateful,” pagbabahagi ni Iza.

Ngayon ay abala ang aktres para sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan kasama sina Jodi Sta. Maria at Sam Milby. Malaki rin ang pasasalamat ni Iza dahil muli siyang nakabalik sa pagtatrabaho. “Talagang nagpapasalamat lalo na at binigyan ng pagkakataon na maituloy ang aming show. Parang work is so precious nowadays na sa kalagitnaan ng pagod namin sa taping, mapapasabi ka na lang ng ‘Lord, thank you. May trabaho, may buhay, may hininga.’ Tapos ang pamilya ko nandiyan. Minsan parang what more do you need, of course you want things pero need mo pala talaga ay nasa iyo na,” makahulugang pahayag ng aktres. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

RYAN BANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with