^

PSN Showbiz

Ranggong Major ni Dingdong, kinukwestyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Ranggong Major ni Dingdong, kinukwestyon
Dingdong

Isyu sa netizens ang post ng Civil Military Operations Group-Philippine Navy tungkol sa relief goods na donation ni Dingdong Dantes. Heto kasi ang kanilang post:

“The relief goods intended for Typhoon Ulysses victims donated by MAJ JOSE SIXTO “DINGDONG G. DANTES III  PN (M) (RES) were successfully hauled by the Disaster Relief and Response Team (DRRT) from Philippine Navy, Philippine Air Force and Philippine Army at Kamuning, Quezon City.”

Naka-itemize ang donation ni Dingdong at nabanggit din na nag-donate rin sina Agot Isidro at Jasmine Curtis-Smith para sa mga evacuees.

May nag-react sa ranggo ni Dingdong na Major dahil reservist lang daw ang aktor at dapat, hindi ganu’n kataas ang ranggo nito.

Mas marunong pa ang mga nag-react at nagreklamo kesa sa Philippine Navy na siyang nagbigay ng ranggo sa aktor.

Samantala, dahil nalaman ng netizens na tumutulong si Dingdong sa riders nila sa DingdongPH na mag-deliver ng mga umo-order sa kanila, gagamitin na rin daw nila ang DingdongPH basta ang aktor ang magde-deliver sa kanila.

Bashers na-wow mali sa mga post ni Bela

May sagot si Bela Padilla sa nag-comment na “mag-donate naman siya sa mga nasalanta” at ang sagot ni Bela, “tapos na at patuloy pa po, oh, kayo naman!”

Hindi yata alam ng netizen na noon pa, wala pa ang mga bagyo, nagdo-donate na si Bela, gaya noong lockdown at siya pa mismo ang nagdala ng relief goods kahit kasagsagan noon ng COVID-19.

Nag-post kasi si Bela ng photo na nasa Turkey pa yata siya, kaya akala ay nasa ibang bansa siya at puro pagpapasarap ang ginagawa.

Ayun, ang netizen ang binalikan ng followers ni Bela at aliw din ang sagutan ng netizens at ang daming nadamay na hindi dapat. Hahaha!

Statement ni Glaiza, pinagtalunan ng pro and anti-Duterte

Dahil sa tweet ni Glaiza de Castro na “Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang” na ang tinutukoy ay ang aerial inspection ni President Rodrigo Duterte sa Cagayan Valley, nagsagutan ang pro at anti-Duterte sa kanyang Twitter.

May nag-comment na bago pa man mag-aerial inspection ang Pangulo, kumilos na ang lahat ng ahensya ng gobyerno para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses. May nagpaalala rin kay Glaiza na President ng bansa si Duterte at hindi Barangay Captain at na-delegate na ang mga dapat gawin.

Hindi naiwasang ma-bash si Glaiza dahil sa kanyang tweet at ipinaliwanag sa kanya na post disaster assessment ang ginawa ng Pangulo para makita ang extent ng damaged. May tumawag din sa kanyang “artistang walang alam tapos kukuda base lang sa nabasa social media.”

May mga nagtanggol naman kay Glaiza, mulat daw ang Kapuso aktres sa mga nangyayari,  kaya lalo silang humanga rito. May nag-comment pa nga na bugahan niya ng apoy ang bashers at gamitin niya ang bato niya bilang si Pirena, ang karakter na ginampanan sa Encantadia.

Heart magpapa-auction ng mga designer na gamit

Kasama sa ipina-auction ni Heart Evangelista ang Filipiniana dress na handpainted niya ang painting ng flower na nasa dress. Ang proceeds ng mga ipinapa-auction niya ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Worth 20,000 ang Filipi­niana dress na mabilis nabili.

Sabi ni Heart, “I’ll also be auctioning off more designer pieces in the next few days so stay tuned for that.”

‘Katuwa ang request ng ibang followers ni Heart sa Instagram na ipa-auction din niya ang mga pinaglumaang gamit ni Panda, ang aspin dog na alaga ni Heart.

Pansin din na masyadong matalas ang mga mata ng netizens dahil pati ang hanger na ginagamit ni Heart ay Chanel.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with