^

PSN Showbiz

Marvin mas piniling magluto ng cochinillo kesa mag-shooting

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Marvin mas piniling magluto ng cochinillo kesa mag-shooting
Marvin

Nabalita na lang na tinanggihan daw ni Marvin Agustin na gawin ang isang pro­ject na sana ay muling bubuo ng kanilang team up ni Jolina Magdangal. Wala namang paliwanag kung bakit, basta umayaw daw si Marvin bagama’t ang project na iyon ay ok na sa kanya noong una.

Ang naisip namin, hindi basta tatanggi ang isang artista sa isang proyekto kung walang valid reason, pero wala ngang paliwanag ang aktor na isang kusinero na rin.

Noong isang araw, nakakita kami ng social media post ni Marvin. Siya mismo ang nagluluto ng cochinillo. Iyan ang “suckling pig” na nililitson. Sabay-sabay niyang niluto sa isang malaking oven ang limang maliliit na baboy. Tapos siya ang humango at maingat na naglagay sa mga iyon sa kahon for delivery. At alam ba ninyo kung magkano ang halaga ng isang cochinillo? Aba eh magugulat kayo. At sa salita ni Marvin na nagpapasalamat siya sa mga customer nilang walang tigil ang mga order sa kanila, siguro hindi lamang cochinillo kundi iba pang mga pagkain, may masisilip ka nang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang project kasama si Jolina.

Sa ngayon ang trabaho sa pelikula o telebisyon, lockdown. Kailangan ang artista ay magpa-swab test, at manatili sa set hanggang hindi natatapos ang trabaho para maiwasan ang sakit. Bahagi na raw iyan ng kanilang “new normal.” Isipin ninyo, gaano kalaki ang mawawalang kita mula sa food business ni Marvin kung siya ay mala-lock-in sa taping? Hindi natin maikakaila na mas malaki ang kinikita niya noon sa kanyang mga restaurant kaysa sa kanyang pag-aartista. Sigurado, mas malaki ang kinikita niya ngayon sa kanyang food business kaysa sa gumawa siya ng pelikula o serye sa telebisyon.

Tiyak na nami-miss din naman ni Marvin ang pagiging isang actor, pero isipin ninyo ang kikitain niya sa order na limang cochinillo nang sabay-sabay.

KC, sunud-sunod ang pa-throwback sa tatay

Pa-feel good muna tayo dahil nakaka-stress na ang puro problema at bagyo ang pinag-uusapan nitong mga nakaraang araw.

Sa kasagsagan ng bagyo, at kasabay ng paghihimutok noong mga nabaha, ang nakita namin sa social media ay isang throwback picture ni KC Concepcion, kasi nga Thursday iyon at “throwback day,” ng kanyang picture noong bata pa siya. Cute na cute siya talaga, at kasama sa swimming na iyon ang kanyang tatay na si Gabby Concepcion.

Taliwas doon sa iniisip ng marami, marami palang bon­ding moments sina KC at Gabby at iyon ang dahilan kung bakit talagang close na close sila.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ang mga anak ni Gabby, close din sa isa’t isa na nakakatuwa lang talagang tingnan.

Aktor tumatanggap ng P200 noon

Minsan napunta kami sa isang restaurant sa Mandaluyong, kung saan ginagawa at nakakabili ng siopao na isang kilo ang laki. Sumikat din ang restaurant na iyon noong araw dahil madalas na dinarayo iyon ni FPJ. Habang nakaupo kami at hinihintay namin ang order naming siopao, dinig na dinig namin ang kuwentuhan ng isang grupo ng bading na nasa kabilang mesa lamang. Ang subject nila ay isang male star na dati ay kapitbahay lamang nila sa lugar na iyon. Sa kuwento nila, na­ging guwapo lang naman daw talaga ang male star noong maging artista na. Hindi siya ganoon kaguwapo before bagama’t may hitsura naman daw.

Ang nakaka-shock na narinig namin, naging kaibigan pala siya at naka-date din ng bawat isa sa tatlong bading na nagkukuwentuhan. Ang kuwentuhan nila, kung papaano nila inaabangan ang male star noong araw, aalukin nila ng P200 at makakasama na nila sa isang date.

Ang tsismis nga naman, hindi mo man hanapin, minsan nasusumpungan mo na lang.

vuukle comment

MARVIN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with