^

PSN Showbiz

Richard, speechless kapag may ipinakikilalang lalaki si Juliana

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard, speechless kapag may ipinakikilalang lalaki si Juliana
Richard at Juliana
STAR/ File

Dalawampung taong gulang na ang nag-iisang anak nina Richard at Lucy Torres-Gomez na si Juliana. Nasa tamang edad na Juliana kaya naman wala na raw magagawa si Ri­chard kung marami nang nanliligaw sa dalaga. “She’s growing up to be a beautiful lady. I’ve seen her grow from a toddler. Nakikita ko maraming umaaligid-aligid na mga lalaki sa tabi-tabi diyan. Well dating is part of life, it’s part of gro­wing up. Hindi naman pwede pigilan na, ‘’Wag ka mag-date.’ Kasi eventually, if you do that, they’ll end up making takas. And you don’t want that to happen,” pahayag ni Richard.

Maraming mga kaibigan ng dalaga ang kakilala nina Richard at Lucy. Aminado ang actor-politician na nakararamdam ng pangamba sa tuwing may ipinakikilalang lalaking kaibigan ang anak. “At times I’m out of words ha. Sometimes, I just can’t say anything. Gano’n talaga ang buhay, gano’n talaga ‘yung reaksyon ko,” pagbabahagi niya.

Mainit na pinag-usapan noon ang pagiging magkapareha sa prom night ni Juliana at ang lala­king anak nina Aga at Charlene Gonzalez-Muhlach na si Andres. Si Aga umano ang unang lumapit kay Richard upang maka-date ni Andres si Juliana. “Aga texted me first. Sabi niya, ‘Pare, pwede ako tumawag? Sabi ko, ‘Okay.’ Sabi niya, ‘Gusto ko sanang maka-date ni Andres si Julia­na sa prom niya. Sabi ko, ‘Let him call her kasi sa ‘kin okay lang ‘yon.’ Then that’s how it all began. When I saw the photos, sabi ko they look good together. Juliana’s beautiful, si Andres is very good looking. He’s tall, they look good together,” pagdedetalye ni Goma.

Sheryn, for good na sa Pinas

Malaki ang pasasalamat ni Sheryn Regis sa pamunuan ng ABS-CBN dahil muling nabigyan siya ng pagkakataong makapagtrabaho. Kahapon ay nagimula na sa Kapamilya Channel ang Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown kung saan ay kasama bilang host ni Sheryn si Wacky Kiray. “I feel so honored that I’m part of this project ng ABS-CBN Foundation, nagtiwala sa amin. Kasi nakikita nila singer ako, hindi naman ako lagi nagho-host, pero ito malaki ang tiwala nila sa akin. In this competition may halong kaba at inspirasyon siyempre,” paglahahad ni Sheryn.

Matatandaang nalampasan ng singer ang pagkakasakit ng thyroid cancer noong naninirahan pa sa Houston, Texas. Ngayong nakabalik na sa Pilipinas ay plano ni Sheryn na manatili na lamang sa bansa. “For good at konti-konting pabalik sa US. Kasi dual citizen na ako. Makakapagtrabaho na ako dire-diretso dito sa Pilipinas,” giit ng Crystal Voice of Asia. (Reports from JCC)

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with