^

PSN Showbiz

Angel at Catriona, paborito ng trolls!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Angel at Catriona, paborito ng trolls!
Angel
STAR/ File

Palagay namin walang masamang intensiyon si Angel Locsin nang i-post niya ang mga emergency telephone number na maaaring tawagan ng mga nanga­ngailangan ng tulong noong panahon ng bagyo. Hindi lahat ay alam kung kanino sila lalapit, kaya ang marami ngang tumatawag sa mga istasyon ng radio o ng telebisyon na ang gagawin lang naman ay mananawagan din para sa kanila. Hindi ka naman nakakatiyak kung ang mga ahensiya ng gobyerno ay nakikinig nga sa istasyon ng radyong natawagan mo. Kaya dapat ikaw na mismo tumawag.

Iyon din siguro ang nasa isip ni Angel, bukod pa nga sa sarili niyang efforts para makapagpahatid din ng tulong na alam naman nating ginagawa niyang madalas sa pakikiisa sa Red Cross. Nabanggit din ni Angel na kawawa naman ang mga biktima ng bagyo.

Aywan naman kung ano ang pumasok sa kukote ng isang basher na nagsabi namang mas kawawa ang mga kabataang nare-recruit ng NPA at namumuhay sa bundok. Totoo rin naman iyon. Iyong mga kabataang hindi mo masasabing may malinaw nang kaisipan at paninindigan, nare-recruit ng mga rebelde.

Pero ano ang kinalaman noon sa panawagan ni Angel?

Hindi na natin kailangan pang mag-isip. Maraming mga troll na nagsimulang banatan si Angel simula nang may mag-suspetsa sa kanya na supporter ng isang samahang makakaliwa. May bintang pang ang kanyang kapatid daw ay sumali sa NPA, at kahit na walang maiharap na matibay na ebidensiya, may mga taong pinanindigan na ang mga bintang na iyon at sinisiraan na si Angel.

Sa isang iglap, nakalimutan na nila kung ano ang ginawa ni Angel na pagtulong sa mga biktima ng Yolanda. Ang pagtulong niya sa mga sinalanta ng bulkang Taal, at ang lahat ng kanyang ginawa sa pagsisimula ng pandemya.

Iyon bang ginawa niyang iyon ay masasabi mong paninira sa gobyerno o pagtulong? Tumutulong na nga iyong tao, sa efforts ng gobyerno sasabihan pa ninyong rebelde?

May isa pang troll na ang tinarget naman ay ang dating Miss Universe na si Catriona Gray. Naibalita ni Catriona na siya ay nasa Colombia, aba may magaling ba namang nagtanong kung bakit daw nasa Colombia siya sa halip na sa Bicol na binayo ng bagyong Ulysses.

Aywan kung bunga iyan ng init lamang, baka dahil walang tubig ang Maynilad, hindi makapaligo ang troll.

Pero dapat alam niya na si Catriona ay isang modelo, at isang personalidad na maraming imbitasyon kahit na sa abroad.

Alam ba niyang magkakaroon ng bagyong Ulysses bago siya umalis, at kung alam man niya tatalikod ba siya sa isang trabaho dahil doon? Eh ano naman ang magagawa ni Catriona? Sisikat ba ang araw sa Bicol?

Aktor na may asawa nag-react sa blind item sa bading

“Sa buong panahon ng bagyo, nasa bahay lang ako at kasama ko ang aking asawa,” iyon daw ang reaksiyon ng isa pang dati ring sikat na matinee idol sa isang blind item namin noong isang araw.

Eh bakit, siya lang ba ang matinee idol na dating sikat at nalaos na? May nasabi bang tinakasan ng dating sikat na matinee idol ang kanyang asawa at sumama sa ka-date niyang bading? Wala namang ganoon eh.

Hindi nga siya iyong dating sikat na matinee idol na nakipag-date pa sa bading sa kasagsagan bagyo.

Pero bakit nga ba ganoon ang kanyang reaksiyon? Ibig bang sabihin noon totoo rin ang tsismis tungkol sa kanya?

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with