^

PSN Showbiz

Angel, pumalag sa isyu ng kabataang NPA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angel, pumalag sa isyu ng kabataang NPA
Angel

Busy ang netizens habang nananalasa ang bagyong Ulysses noong nakaraang Miyerkules ng gabi hanggang kinabukasan.

Muli na namang nag-trending sa Twitter ang paghahanap kay Pres. Rodrigo Duterte.

Dito nag-trending ang #UselessPH at #LunurinSaTubigBahaSiDuterte, pero ang dami pa rin talagang nagtanggol sa ating Pangulong Duterte.

Masipag din ang ilang celebrities na talagang involved sa mga nangyayari sa ­ating paligid at sa mga isyung pinag-uusapan. Pero sila rin ang madalas na natitira at naba-bash nang walang patumangga.

Heto nga si Angel Locsin na nag-post lang ng emergency numbers ng mga dapat tawagan kung kinakailangan ng tulong, binuhay pa ang isyu ng red-tagging.

May isang basher na agad na nagkomento na kawawa rin daw yung mga kabataang nasa bundok na na-recruit ng NPA.

Hindi ito pinalagpas ni Angel at sinagot niya ito ng bonggang-bongga - “Oo kawawa talaga na naiipit ang kabataan. Anyone na gina­gamit ang kabataan para sa sariling agenda ay kasuklamsuklam. Kahit ikaw sa propaganda o ginagamit mo ang kabataan. Ginagamit mo rin ako at mga kapwa ko artista sa agenda mo that’s why nakabantay ka sa page ko para mag-comment. I doubt kung ang kaligtasan ba talaga ng mga kabataan ang hangad mo o manggulo lang. Pumunta ka sa korte kung totoong may malasakit ka at mabigyan ng katarungan ang mga pamilyang nawalan. Ngayon, ito ang panawagan para sa mga nasalanta  at nasasalanta ng bagyo, hindi ba sila importante enough sayo para idisregard sila at isingit ang comment mo sa panahong ito? Umayos ka.”

Pati nga si Catriona Gray na nasa Colombia para daluhan at mag-judge sa Miss Colombia ay pinansin din ng ilang netizens. Bakit daw siya nasa Colombia sa halip na tumulong sa mga nasa­lanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

Sinagot din naman sila ng Miss Universe 2018 na matagal ng commitment iyon at hindi naman daw siya nagpapabaya sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Red Cross para mag-provide ng aid at relief sa mga naapektuhan ng bagyo.

Kahit ang kolumnista at talent manager na si Ogie Diaz ay nakatikim din ng ma­tin­ding bashing dahil sa kanyang post sa Facebook na nakukulangan siya sa mga taga gobyerno sa pagresponde sa mga apektado ng bagyo.

“Juice ko po, sobra-sobra  nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo,” bahagi ng post ni Ogie.

Hindi rin siya tinigilan ng mga DDS na ang bibilis mag-react kapag may pumitik sa ating Pangulong Duterte.

Kaya nga sabi ni Elizabeth Oropesa, sana tigilan na raw muna ang mga pagbabatikos lalo na sa panahon ngayon na mas kailangan ang pagtutulungan.

Samantala, abala rin ang ibang stars sa pangangalap ngayon ng donasyon at tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.

Patuloy na naghahatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga dapat tulungan nating kababayan.

Kahit nga ang grupong AKTOR ay nagsisimula na ring mangalap ng mga donasyong ipamamahagi. Post nga ni John Lapus sa kanyang Twitter account; “Agad-agad ang AKTORph. Nakaka-proud. Will update soon kung paano kayo makakatulong. Mabuhay ang Aktor!”

Child actor na si Kenken, hindi alam kung paano babangon

Isa pala sa apektado rin nang husto ng bagyong Ulysses ay ang magaling  na child actor na si Kenken Nuyad.

Ipinost niya sa kanyang Facebook account na nangangailangan na rin sila ng rescue team dahil hanggang bubong na ng bahay nila ang tubig-baha noong Huwebes.

Kinahapunan ay bumaba na ang tubig, nag-FB live si Kenken na naglalakad na pauwi. Nakaapak na lang siya at nadatnan na nga ang bahay na puno na ng putik at sira na ang mga gamit.

 Isa si Kenken sa mga nasalanta nitong Ulysses na hindi alam kung paano makakapagsimula uli.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with