^

PSN Showbiz

Jodi, hindi handa sa pagbibinata ni Thirdy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, hindi handa sa pagbibinata ni Thirdy
Jodi at Thirdy

Maglalabing limang taong gulang na sa susunod na buwan ang anak nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na si Thirdy. Para sa aktres ay sadyang napakabilis ng panahon kaya halos hindi namalayan ang paglaki ng nag-iisang anak. “Grabe! Ang bilis pala ng panahon. Akala ko parang it feels like yesterday lang ipinanganak ko siya, and now mas matangkad pa siya sa akin. Dumaan lang ‘yung panahon na gano’n,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Aminado ang aktres na hindi pa siya nakahanda na tuluyang masaksihan ang pagbibinata ni Thirdy lalo na sa mga pagbabagong pisikal nito. “Akala ko magiging handa ako kasi parang alam ko naman. Hindi mo mapipigilan ang paglaki ng isang bata, for me in my head kaya ito. Pero no’ng dumarating na ‘yung mga changes, taun-taon na nagbi-birthday siya, nakikita ko na ang mga facial hair, kili-kili hair, parang sabi ko, ‘Grabe! Ito na ito!’ Parang right before my eyes, lumalaki na ‘yung bata. Tapos parang do’n ko na-realize na hindi pala ako handa. Kasi siyempre kapag maliit sila, ikaw ang mundo nila. Sa iyo lang iikot ‘yung mundo nila. Makibot ka lang ng konti, ‘Mommy!’ Alis ka lang ng konti, ‘Mommy!’ Hindi pwedeng mawala ka sa paningin nila,” pagbabahagi niya.

Kahit abala ngayon sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin ay sinisikap naman ni Jodi na palaging nakakausap ang anak sa araw-araw. “I would always ask Thirdy eh, parang everyday tatanungin ko siya, ‘How are you?’ because I would want to know kung ano ang nararamdaman niya ngayong araw na ‘to, ano ‘yung pangangailangan niya ngayong araw na ‘to. But I know it’s not everyday na open siya or ready siya to talk about his feelings and I respect that. In any way I can, ipinapakita ko sa kanya na mahal ko siya. I would always remind him talaga of my love, care and support na hindi ko siya pinipilit sa mga bagay na gusto ko. Alam niya na nandito ako para gabayan siya, mahalin siya at suportahan siya,” kuwento ng aktres.

Wacky Kiray, hirap magpatawa na walang audience

Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ngayon ni Wacky Kiray. Bukod sa pagiging host ng Lunch Out Loud ng TV 5 ay isa rin ang komedyante sa mga host ng Kalde­roke: The Singing and Cooking Showdown na mapapanood sa Kapamilya Channel simula ngayong araw. Malaki ang pasasalamat ni Wacky Kiray sa pamunuan ng ABS-CBN dahil nabigyan siya ng pagkakataon upang maging isang ganap na TV host. “Ang sarap ng feeling kasi dati lang akong jester ng ABS-CBN. Kumbaga ‘pag may commercial, ako ang nagpapatawa tapos ang laking oportunidad ang binigay sa akin dito ng ABS-CBN Foundation na mag-host dito sa Kalderoke. Sobrang magandang blessings na binigay nila sa akin,” paglalahad ni Wacky Kiray.

Nagsimula bilang isang stand-up comedian sa mga iba’t ibang comedy bar si Wacky Kiray kaya sanay na sanay na magtanghal sa harap ng maraming tao.

Ngayon ay naninibago umano ang komedyante dahil sa kawalan ng audience sa mga ginagawang programa. “Nasanay kasi kami na nagpapatawa kami, maraming-maraming tumatawa at may interaction. Pero ngayon kami-kami na lang mismo. Eh ilan lang kami, nagtatawanan lang kami sa sarili namin. Kaya ang hirap,” paliwanag ng komedyante. Reports from JCC

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with