^

PSN Showbiz

Jericho at Kim, kapuri-puri ang ginawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jericho at Kim, kapuri-puri ang ginawa
Jericho at Kim

Bongga si Jericho Rosales at asawang si Kim Jones ha. Dahil marunong silang mag-surfing, ito ang ginamit nila para makasali sa rescue team ng Marikina.

Grabe ang inabot na pinsala ng lugar kaya nasa bubong na ang mga tao para hindi abutin ng tubig. Imagine sa sobrang baha na talagang sa bubong ka na lang puwedeng magtago sa taas ng tubig.

Kahit sa ano mang paraan para tumulong, nagawa ni Jericho kaya kahanga-hanga siya. Totoong sa ganitong mga pagkakataon mo makikita kung sino ang mga tunay na lalaki, at sino ang may matatabang puso sa pagtulong.

Pati si Kim na asawa ni Jericho ay dapat purihin, ito ang mga tunay at hindi pakitang tao na tumulong.

Panahon para magdamayan…

May isang sinabi ang isang character sa napanood kong Koreanovela na medyo nakagulo sa isip ko. ‘Yung sinabi niya na “sad ka ‘pag andiyan siya, pero sad ka pa rin ‘pag wala siya.”

Meron naman akong napanood din na nagsabi, “sad ka ‘pag mag-isa ka, pero dalawa na kayo, sad ka pa rin, mas mabuti nang mag-isa ka na lang.”

Doon sa una, sinabi na mas mabuti nang kahit sad ka, mas maganda na meron kang kahati sa sadness. Ngayon kung ikaw iyon, ano ang mas pipiliin mo, sad with someone, or sad ka na lang mag-isa?

Mas pipiliin ko siguro na meron akong ka-share sa sadness ko, ‘yung kahit papaano may mapagsasabihan ako ng sama ng feelings ko, at the same time baka rin makatulong ako sa nadarama rin niyang sadness.

Being sad, kahit papaano makes you feel connected sa kasama mo, para kang may emotional crutch na masasandalan. Sabi nga nila, people are bin­ded together to make them stronger, l­eaning on each other, together healing as one.

Nobody should feel alone, or be alone, dahil no man is an island. Sa mga nangyayari ngayon sa paligid natin, iparamdam natin sa mga biktima ng typhoon at baha na hindi sila nag-iisa, na meron silang puwedeng sandalan. Nandito tayo para bigyan sila ng kahit konti para makatulong sa kanila.

Together, we will heal, together we stand tall. Pilipino tayo, magtulungan at magdasal.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with