^

PSN Showbiz

Pangakong Lunas, tatalakayin ni Atom Araullo

Pilipino Star Ngayon
Pangakong Lunas, tatalakayin ni Atom Araullo

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo, isa na namang makabuluhang dokumentaryo ng The Atom Araullo Specials ang mapapanood kung saan tatalakayin ni Atom Araullo ang isyu ng kalusugan sa gitna ng pandemya.

Bago pa man magsimula ang COVID-19 pandemic, sinusundan na  ni Atom  ang kuwento ng isang albularyo sa Cavite na si Arturo Solon. “Jesus Man” ang tawag niya sa kanyang sarili. Ang hindi nakatatayo, napapalakad daw niya. Ang may malubhang sakit, himala raw niyang napagagaling.

Kuwento ni Arturo, minsan na raw siyang namatay pero muli siyang nabuhay. Doon na raw nagsimula ang kanyang kapangyarihang manggamot. Hindi lang siya sa kanyang kapilya pinipilahan ng mga umaasang gumaling sa iba’t ibang sakit dahil maging sa social media, libu-libo rin ang followers niya.

Tampok din ngayong Linggo si Evangeline na unang nakapa­nayam ni Atom noong Pebrero. Sa isang araw, umiinom si Evangeline ng 18 capsule ng isang supplement para sa kanyang breast cancer. Pero sa halip na bumuti ang kalagayan, tila lumala pa ang kanyang kondisyon.

Ngayong may pandem­ya, tila sinasamantala rin ito ng mga sangkot sa illegal na kalakaran. Sa mga nakalipas na buwan, sunud-sunod ang gina­wang pagsalakay ng National Bureau of Investigation o NBI sa mga pinagtataguan ng mga hindi rehistradong gamot na para umano sa COVID-19.

Huwag palampasin ang Pangakong Lunas sa The Atom Araullo Specials bukas, 3:45 p.m., sa GMA 7.

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with