^

PSN Showbiz

TV5 at GMA, nadadagdagan ang gastos sa lock-in taping!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
TV5 at GMA, nadadagdagan ang gastos sa lock-in taping!

Apat na bagyo ang hinarap ng Christmas serye na Paano ang Pasko na ginagawa ng Idea First para sa TV5.

Sa unang cycle pa lang ng taping nila sa San Pablo, Laguna dinaanan sila ng bagyong Quinta. Sumunod ang malakas na bagyong Rolly, na sinundan din agad ng Siony, at ngayon naman ang napakalakas ding Ulysses.

Nakaka-text namin ang producer at isa rin sa mga director nito na si direk Perci Intalan, tuloy pa rin daw ang laban kahit ilang bagyo na ang dumaan sa lock-in taping nila.

Natapos na nila ang unang season, at  nakauwi na ang mga artista bago pumasok ang Ulysses.

Magsisimula na raw sana ang next cycle ng taping nila, dumating naman itong Ulysses kaya hindi na raw muna itinuloy ang pag-alis ng mga artista. Pero nasa location na raw ang staff nila kaya pinagpahinga na lang daw muna sila sa hotel na tinutuluyan nila.

Hopefully, okay na raw ang panahon bukas para matuloy na ang pag-alis ng mga artista sa location. “Laban lang. Tuloy pa rin ang Pasko,” dagdag niyang text sa amin.

Magsisimula na ang Paano ang Pasko sa November 23 kaya dapat na matatapos na raw nila ito.

Samantala, dalawang araw na lang at tapos na sana ang Bilangin ang Bituin sa Langit na naka-lock in naman sa San Mateo, Rizal.

Mabuti na lang at mataas daw ang lugar nila kaya hindi sila naapektuhan ng matinding baha dulot nitong bagyong Ulysses.

Nakikita lang daw nila sa katabing bayan na lubog na sa baha, kaya wala rin silang madaanan kung lalabas sila roon.

Pero kahit bumabagyo kahapon, itinuloy pa rin daw nila ang taping, at pawang mga interior shots na lang ang kinukunan.

Inaasahan nilang magiging maganda na ang panahon ngayong araw para sa exterior shots naman.

Nagpapasalamat lang sila dahil wala pa raw nagkakasakit sa kanila kahit ang ilang staff ay nababasa na minsan.

Mahigpit daw na ipinapatupad ang 12 hours na working hours para may sapat silang tulog.

Ayaw na raw kasi nilang magdagdag pa ng gastos kaya dapat masunod ang schedule at ma-pack up sila sa tamang araw.

Kababalik lang naman sa lock-in taping ang Prima Donnas na sa Antipolo naman ang location. Kaya sa hotel lang daw muna sila kahapon dahil na-pack up nga sila.

Ang dami raw nilang exterior shots, kaya pinagpahinga na lang daw muna ang mga artista at production staff.

Malaki rin ang nagagastos ng production kapag na-extend sila, kaya dapat masunod ang calendar ng taping nila.

Geoff, gusto pa sana ng kambal

Kung si Geoff Eigenmann ang masusunod, gusto pa raw sana niya ng mas marami pang anak. “Gusto ko pa sana ng twins,” napangiting pahayag ng aktor nang nakatsikahan namin sa grand launch ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw na magsisimula na sa November 28 sa Net 25.

Pero payo na rin daw ng doktor na mas mabuting ipa-ligate na si Maya Flores dahil naka-tatlong anak na sila at pawang sa caesarian section pala iyon lahat.

Agree rin naman daw siya sa Mommy niyang si direk Gina Alajar na mahirap talagang magpalaki ngayon ng mga bata, kaya mabuti na rin daw na nakatutok sila ngayon sa kanilang tatlong anak, dalawang girl at isang boy.

Ang isa pa raw sanang gustong magawa nila next year ay makapagpakasal na sila, pero hindi pa naman daw sila nagmamadali.

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with