^

PSN Showbiz

Playboy na asawa ng aktres, pumatol sa menor de edad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sinawaan na lang ang isang popular na female personality sa pagbaban­tay-sarado sa kanyang playboy na mister. Pero kung babalikan ang nakaraan ay tatlong babaeng personalidad ang nahuli niyang nakipagrelasyon sa kanyang asawa.

Dalawang aktres at isang magaling na singer. Galit na galit ang female persona­lity dahil alam naman ng mga ito na pamilyado na ang lalaki pero pumapatol pa rin sila.

Kuwento ng aming source, “Ewan nga ba kung ano ang meron ang male personality na ‘yun at masyado siyang lapitin ng babae! Makasama lang niya nang sandali sa isang project, kuha na niya agad!

“E, matunog si misis! Nahuhuli niya ang husband niya at ang mahiwagang girl! Di nga ba, malapit na niyang sipain sa nguso ang isang sikat na singer nu’ng mahuli niyang nakikipag­landian sa husband niya?” pabitin pang buwena mano ng aming impormante.

May isang sexy actress ding na-Julie Andrews ng misis ng male singer na nakikipag-flirt sa actor-singer. Nakakaloka ang kuwento.

Patuloy ng aming impormante, “Ibang klase naman ang girl na ‘yun, napakabata pa niya! Take note, sa parking lang sila nagkikita ng male singer! Pinagkukuwentuhan sila ng mga nandu’n dahil habang nasa loob sila ng car ng male singer, e, walang tigil ‘yun sa paggalaw!

“Wala namang lindol, pero parang intensity 5 ang nagaganap sa sobrang paggalaw ng car ng male singer kasama ang bagets pang sexy star! Ibang klase ang lalaking ‘yun, pati menor de edad, ginegetlak talaga niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ang ikatlong female personality ay nasa ibang bansa na ngayon, pero parang nandito pa rin ang babae, dahil palagi itong umeeksena sa mga nagaganap dito sa atin.

Panghuling kuwento ng source, “Naku, malapit nang gulpihin ng wife ng male singer ang babaeng ‘yun! Paano nga, nilalandi niya ‘yung lalaki! Text siya nang text na magkita na sila, pero wala siyang kaalam-alam na ‘yung misis na pala ang nagte-text back sa kanya!

“Nu’ng magkita sila ng male singer, biglang sumulpot ang misis ng lalaki, naloka ang hitad, nakapameywang pa ang misis, gusto na siyang sampal-sampalin!

“Kaya huwag na siyang nakikisawsaw sa mga issue, maraming naaalala ang mga taong nakatrabaho niya, tulad nitong malapit nang paggulpi sa kanya ng female personality na mata pa nga lang, e, nakakatakot na!

“Give na give na ba ang mga clue?” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Ubos!

Direk Bobet Vidanes na nanguna sa pagsigaw ng walang iwanan, lumayas na sa showtime

Pinagpipistahan ngayon sa bakuran ng ipinasaradong network ang pagre-resign ni Direk Bobet Vidanes sa It’s Showtime. At hindi lang sa noontime show, bumitiw na raw siya sa network, ang bakurang nagbigay sa kanya ng lahat ng oportunidad para matupad ang kanyang mga pangarap.

Sabi ng aming source, “Nasaan na ngayon ang sinasabi niyang walang iwanan? Di ba, tuwing anniversary nila sa noontime show, e, siya pa ang nangunguna sa pagsasabi na wala silang iwanan?

“Ano ang nangyari? Kung sino pa ang nagpapasimuno sa chant nilang walang iwanan, e, siya pa ang unang nang-iwan?” sarkastikong komento ng aming kausap.

Sabi naman ng isa pang nakausap namin, “Si Bobet Vi­danes ang direktor na napakahilig sa camera. Ongoing ang It’s Showtime, ha, pero natututukan siya ng camera na nasa floor, naka-pose, feeling artista siya?” sabi nito.

Balitang lumipat na ang direktor sa Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez pero may mga impormasyon ding lumipat ang direktor sa Viva.

Naging cameraman, technical director at director ng ABS-CBN si Direk Bobet Vidanes na ang napangasawa ay ang ehekutibo ng network na si Ms. Cory Vidanes.

Maraming taga-Dos ang nagkokomento na walang utang na loob ang direktor na panay-panay ang pagsigaw ng “walang iwanan!” pero nang maharap sa matinding paghamon ang network na gumawa ng milagro sa kanyang pangarap ay siya pa mismong naunang lumundag palabas ng istasyon.

Panghuling sabi ng aming soruce, “Kinaltasan daw kasi ang talent fee nila, saka ang dami-daming ipinagbabawal ng network, kaya nag-resign na siya!”

Ganu’n daw.

vuukle comment

BOBET VIDANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with