^

PSN Showbiz

Janine, best actress ng Urian!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Janine, best actress ng Urian!
Janine
STAR/ File

Congratulations sa lahat na winners ng 43rd Gawad Urian na online lang napanood noong nakaraang Martes ng gabi.

Wagi ang pelikulang Babae at Baril kung saan nauna na itong nanalo sa QC International Film Festival.

Si Janine Gutierrez ng pelikulang ito ang nagwaging Best Actress at nag-Best Picture din pati ang kanilang director na si Rae Red.

Best Actor naman si Elijah Canlas ng pelikulang Kalel 15, at binigyan naman ng posthumous award ang nagwaging Best Supporting Actor na si Kristoffer King ng pelikulang Verdict at Best Supporting Actress naman si Yayo Aguila ng pelikulang Metamorphosis.

Hindi gaanong namalayan ang pamamahagi ng mga Manunuri, dahil sa online lang at in-announce na lang lahat ng winners.

Pero kahit paano ay nairaos naman na kung saan may partisipasyon pa rin ang mga dating Urian winners gaya nina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Iza Calzado, Cherie Gil, Gladys Reyes, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

Nakaka-miss na talaga ang awards night na nagdadatingan ang mga artistang glamour na glamour at hinaharang namin sa red carpet para ma-interview.

Sana mabalik na ito pagkatapos ng pandemyang pinagdadaanan natin.

Mga lupain ni Elizabeth sa Bicol, nalusaw sa bagyo

Magarbo at talagang pinaghandaan ng Eagle’s Broadcasting Corporation ang grand launch noong nakaraang Martes ng bagong dramaserye nilang Ang Daigdig Ko’y Ikaw na mapapanood sa Net 25.

Dito binigyan ng magandang break si Ynna Asistio katambal  si Geoff Eigenmann at dinirek pa ng magaling ding si direk Eduardo Roy, Jr.

Sabi nga ni Ynna, after 14 years daw na talagang nakipagbuno  siya sa showbiz, ibinigay sa kanya ng Diyos ang magandang project na ito. “Ipinag-pray ko na lang na if it’s for me, it’s for me. So yun po…after two weeks tinawagan nga po ako ni Tito Anjo (Yllana) na ako na nga raw po ang napili.

“Alam n’yo po, naniwala na lang po ako nung nasa Las Casas na ako at nag-start na kaming mag-taping. Kasi minsan di po ba, kahit nandun ka na sa taping, napapalitan ka pa,” napapangiting pahayag ni Ynna sa grand launch nito na ginanap sa INC Museum ng Iglesia ni Cristo sa Quezon City.

Dumaan din daw siya sa depression pagkatapos pumanaw ang Daddy niya. Pero thankful din siya na dahil sa patuloy na pagdarasal, ibinigay sa kanya itong Ang Daigdig Ko’y Ikaw, na magpi-premiere na sa November 28 - tuwing Sabado ng alas-otso ng gabi ito.

Doon pa rin sa launching ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ay nakatsikahan namin si Elizabeth Oropesa na bahagi rin sa dramaseryeng ito.

At ikinuwento sa amin ang malungkot na sinapit ng mga kababayan niya sa Guinobatan, Albay. May mga lupain doon si La Oro na sinasaka. Meron daw siyang palayan doon na limang ektarya, at meron ding anim na ektarya.

Nawala na ito lahat pagkatapos dumaan ang napakalakas na bagyong Rolly. “Kasi, natabunan ng lahar. ‘Pag natabunan ng lahar, wala na ‘yon. Wala nang value. Wala na! Wala ka nang maitatanim doon! Nakita mo ba iyong sa Taal (Batangas)? May nakita ka bang pananim sa mga natakpan? Waley!” kuwento ni La Oro.

Hindi naman daw niya inaasahan ang palayan niyang iyon sa Albay. Ang nalulungkot lang daw siya ay ang mga magsasaka na nagtatrabaho sa nasabing palayan niya. “Normally, ipinamimigay ko ang mga ani nu’n, para sa mga magsasaka namin. Hindi ko ginagawang negosyo ‘yon. Kaya ngayon, nakakaawa iyong mga magsasaka namin, saka iyong mga Bikolano na nandoon. Kasi, wala akong maibibigay. Wala nang pananim, e,” dagdag niyang pahayag.

Susubukan daw niyang makauwi, pero hindi lang niya alam kung makakapagbigay pa siya ng tulong.

“Mabuti na lang, may hanapbuhay ako kahit paano palagi. Awa ng Diyos,” sabi pa ng aktres.

Bukod sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw sa Net 25, sisimulan na rin ni La Oro ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 at may isinumite rin siyang pelikula sa Metro Manila Film Festival na sana raw ay mapili.

vuukle comment

JANINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with