^

PSN Showbiz

LizQuen, bakasyon muna sa Amerika

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
LizQuen, bakasyon muna sa Amerika
LizQuen
STAR/ File

Nasa US na naman pala si Liza Soberano. Ang sinasabi, nagtungo raw siya roon para tumulong sa pag-aalaga ng kanyang lola. Kasama rin niya sa nasabing bakasyon ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil. Sinasabi rin ni Liza na kailangan din naman daw niya ng kaunti pang bakasyon.

Siguro, sabi nga nila, magandang desisyon na rin naman ang ginawang iyan ni Liza, pati na rin ni Enrique, dahil mukhang hindi pa naman sila ready talagang magsimula ng trabaho. Bukod nga sa umiiral na pandemic, nasara pa ang kanilang network at mukha namang wala silang balak na umalis doon kundi maghihintay nga sila kung ano ang mangyayaring kasunod.

Isa pa, kung wala nga rito si Liza, maiiwasan pa niya ang mga tsismis, lalo na’t pinagbibintangan pa siyang nakikisali sa mga subersibong samahan. Mahirap na nga namang mapag-initan, kaya mabuti pang umalis na muna at least wala nang masasabing may sinasamahan siyang kung ano. Kung naririto siya, hindi naman niya maiiwasan ang manindigan para sa kanyang advocacy at iyan ay ang pagpapatibay ng womens’ rights.

Iyon nga lang, mukhang matagal na siyang walang projects, dahil kung natatandaan ninyo, halos isang taon na siyang napahinga dahil sa pagpapaopera niya sa kanyang daliri na nabalian ng buto sa taping ng isa niyang ginawang serye. Natagal na rin siya sa Amerika dahil doon, hanggang sa iginawa pa nga siya ng iba namang tsismis na naglaho na rin naman.

Ngayon, kung sasabihin niyang baka sa susunod na taon na siya magbabalik, aba eh husto ngang dalawang taon na ang kanyang pamamahinga, at habang wala siyang project, wala rin namang makukuhang project ang kanyang ka-love team na si Enrique Gil.

Masyado kasi silang identified sa isa’t isa bilang magka-love team eh. Iyon ang disadvantage noon. Kung wala ang isa, wala rin proyektong makuha ang isa pa.

Heart pinakain ng bawang ang basher

Tama ang attitude ni Heart Evangelista. Hindi mo naman maiiwasan na magkaroon ng bashers sa social media, lalo na nga silang mga artista at expose sa social media. Eh kasi aywan nga ba kung bakit ang mga artista ngayon, sila mismo ang nag-e-expose sa kanilang sarili sa publiko sa pamamagitan ng social media. Samantalang noong araw, hindi ganyan. Hindi mo nga halos makita ang mga artista, dahil ang paniwala ng mga star builder noon, kailangang “may mystery” ang buhay ng artista.

Basta inilabas mo ang sa-rili mo sa social media, hindi na pribado iyan. Kahit na ano masasabi sa iyo.

Natawa kami doon sa isang basher na nagsabing “naha-high blood ako basta nababasa ko ang posts niyang si Heart Evangelista.” Mabilis naman iyong sinagot ni Heart, “magkakain ka ng bawang. Pero tandaan mo, masama rin ang bawang sa aswang, kaya tingnan mo muna ang dugo mo kung ano.”

Ganyan dapat ang attitude, asarin mo na lang din.

Aktres napahagulgol nang madiskubreng nakuha ng bading ang kanyang papa

Hindi raw nakakibo agad ang isang female star pero maya-maya kahit na nasa harap siya ng ibang mga tao, hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha, na nauwi pa sa paghagulgol. Dala iyon ng galit, nang malaman niyang ang kanyang boyfriend pala ay pumatol sa isang mayamang bading.

Ang masakit, kilala ng female star ang mayamang bading, at kaya nakilala iyon ng kanyang boyfriend ay dahil din sa kanya. Noong una nag-sponsor pa raw ang bading sa isang mall show ng female star, iyon pala paraan lamang iyon para makilala ang kanyang boyfriend na siya talagang target ng bading.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with