^

PSN Showbiz

Jodi, matagal nagdasal na magkaroon ng oras sa anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jodi, matagal nagdasal na magkaroon ng oras sa anak
Jodi at Thirdy

Patuloy pa rin nating kinakaharap ang krisis dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Magwawalong buwan nang ipinatutupad ang community qua­rantine sa bansa kaya palaging nakakasama ni Jodi Sta. Maria ang anak na si Thirdy. Para sa aktres ay sinusulit niya ang bawat oras na kasama ang nag-iisang supling. “I don’t mean to be insensitive by saying this, pero parang naging in a way blessing sa akin ‘yung naging quarantine sa bahay. Kasi ang dami kong naging time to spend with my son. And I remember since I’m single mother, nagtatrabaho ako and most of the time six-day a week ang trabaho ko. I only get to spend parang one day with him. I remember praying to the Lord na give me more time to be with my family and my son and then this thing happened,” paliwanag ni Jodi.

Ngayon ay naka-online class si Thirdy kaya kapag walang trabaho ang aktres ay parati lamang nasa bahay ang mag-ina.

Ayon sa aktres ay maraming mga bagay na ang naituturo niya sa anak na ginagawa nilang magkasama. “Marami kaming time together. So from working out to training our pets to cooking, kung anu-ano ang ginagawa namin,” kuwento niya.

Masayang-masaya si Jodi dahil mas naging malapit sa kanya si Thirdy ngayong mayroong pandemya. “Nakakatuwa kasi kung iisipin mo hindi ba may mga tao na parang kapag marami silang time together ang tendency nagkakainisan, nagkakairitahan. Pero sa case namin ni Thirdy, parang ang dami naming nagawang bagay na alam ko pinagpi-pray ko na gusto kong gawin no’ng mga panahon na sobrang busy ka nagtatrabaho at ngayon ay inadya ng Panginoon na mangyari lahat,” makahulugang pahayag ng aktres.

Katawan ni Ivana, pinag-iinteresan din ng kababaihan

Walang kasintahan ngayon si Ivana Alawi. Ayon sa sexy actress ay posibleng nakararamdam ng takot ang mga kalalakihan na manligaw sa kanya. “’Yung mukha ko daw nakaka-intimidate so lagi silang nai-intimidate sa mukha ko. Minsan may mga taong natatakot manligaw and hanggang ngayon gano’n pa rin ‘yung feeling. Takot pa rin sila manligaw,” nakangi­ting pahayag ni Ivana.

Ang aktres ang nabansagan bilang bagong pantasya ng mga kalalakihan ngayon. Bukod sa mga lalaki ay maraming mga kababaihan din ang nagpapadala ng mensahe kay Ivana sa social media. “Honestly hindi ko siya maintindihan kung bakit kasi hindi naman kami masyado natutuwa sa sarili ko. I am being myself. Nagsu-swimsuit lang naman ako, normal naman kasi para sa akin mag-swimsuit or mag swimming and mag-picture in bikini. May mga babae na nagme-message na parang na-appreciate nila ‘yung women empowerment. Nakakatuwa lang na I am just being myself as ‘Uy! Gayahin n’yo ako guys.’ Hindi ako gano’n eh,” giit ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with