^

PSN Showbiz

Alone ng LizQuen, no. 1 sa trending

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alone ng LizQuen, no. 1 sa trending
LizQuen

Wow no. 1 sa Netflix Philippines ang Alone / Together nina Enrique Gil and Liza Soberano.

Last February 2019 nang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Hindi pa-cute ang movie na forte ng magka-loveteam.

Level up ang mga character nila bilang ex-college sweethearts na nabaliktad ang kapalaran pero nagkita uli sa kakaibang bahagi na ng kanilang buhay.

Kumita na ito noon pero obviously marami pa ang hindi nakapanood.

Sobrang ganda rin ni Liza sa pelikulang ito. Pero mas maganda siya pag walang make up. Iba ang atake niya sa role na may pagka-mature nga.

Si Enrique din naman, bagay ang ginampanang character.

Last year ay mahihina ang mga pelikulang Tagalog sa pag-uumpisa ng taon – nang ipalabas ito.

Pero iba ‘yung may market ang mga bida at magic sa screen like LizQuen kaya box office din noon bagama’t hindi naman super duper hit.

Anyway, sa kasalukuyan ay parang kuntento na ang karamihan sa panonood sa video on demand services.

Wala ring kasiguruhan kung kailan magbubukas uli ang mga sinehan na pag raw napasyal ka sa mga mall, malulungkot ka sa area na dating pila-pila ang mga tao.

Kasalukuyan nang ginaganap ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) digital edition na nag-start last October 31 at matatapos sa November 13. Napapanood sa FDCPchannel.ph ang mga kasali ritong pelikula.

Wala akong naririnig na update kung ano ang ranking in terms of number of views.

Mahigit 100 local, old and new films ang kasali sa nasabing proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Ms. Liza Diño.

Red tagging kay Liza, parang lipas na

Speaking of Liza, parang tuluyang nang namatay ang issue ng red tagging sa Kapamilya actress.

Sabagay, wala sa hitsura ni Liza na basta-basta siya magpapa-impluwensiya at magiging makakaliwa.

Nagkaroon ng red tagging issue kay Liza nang mag-participate siya sa isang women’s forum ng Gabriela na sinasabi ngang critical sa present administration.

Sinabi ng lawyer ni Liza na hindi titigil ang kanyang client sa advocacy nito sa women’s rights and welfare sa kabila ng isyung it.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with