^

PSN Showbiz

James pinatunayang kayang magpautang ng P5 million

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
James pinatunayang kayang magpautang ng P5 million
James

Obvious na fans ni James Reid ang talagang nagpa-trending sa prank call ni Billy Crawford sa guwapong aktor na napanood sa Lunch Out Loud nung nakaraang Huwebes.

Doon nakita kung gaano kabuting tao at kaibigan si James na willing ibigay ang pera niya sa bangko para may ipahiram lang sa isang matalik na kaibigan.

Nagsimula si Billy sa paghiram kunyari ng limang milyong piso, hanggang sa P2.5-M ang immediate na kailangan, at pati ang kotse nito ay ipahiram, na balak pa sanang ibenta ni Billy para magkapera lang ito.

Natapos sa 1,500 pesos na ipadala sa kanya na nagti-taping sa LOL studio.

Pinuri rito si James na nakita ang tunay niyang kabutihan na nakahandang tulungan ang matalik na kaibigan.

Kaya paulit-ulit na nagpapasalamat si Billy sa ipinakitang kabutihan ni James. Ang guwapo na, ang bait pa!

Kaya nag-iwan si Billy ng mensahe para kay James na ipinost sa Twitter account ng Lunch Out Loud. “First of all brother, alam mo naman…I’m sorry for doing this. I’m sorry na-prank kita. But you know what, yung totoong kulay mo…your true colors came out and that is a real true friend.

“You will do anything, you will sacrifice a lot of things just for a people you care for, and that to me I salute you.

“I just adore you…you’re a good good friend. I love you bro, you know that.

“If you need something, don’t call me because I don’t have five million.”

Nagparating ng mensahe si Billy sa mga fans ni James na matagal-tagal na nga raw hindi napapanood ang aktor dahil naging abala ito sa ilan niyang projects lalo na sa kanyang Careless Music na nag-produce ng visual album ni Nadine Lustre na Wildest Dreams.

12 hours taping, ngayon lang natupad

Sa Lunes, November 9 ay mapapanood na ang mga bagong episodes ng Prima Donnas na nai-tape na nila sa ilang linggong naka-lock in sa isang lugar. Kuwento sa amin ni direk Gina Alajar, kasama pa raw si Sofia Pablo sa ilang eksena dahil nakunan pa raw nila ito nung bago nag-quarantine. Highlight daw iyun ng bagets at doon na ginamit ng mga writer kung bakit hindi na siya mapapanood sa mga susunod na episodes. Pero nilinaw ni direk Gina na hindi papatayin ang karakter ni Sofia.

Samantala, Medyo mahirap daw ang naka-lock in na taping sabi ni direk Gina pero ang kainaman lang nito, talagang strictly observed daw nila ang 12 working hours na matagal na raw itong gustong mangyari ng mga artista.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with