^

PSN Showbiz

Pauleen sinimplehan lang ang birthday party ni Tali

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen sinimplehan lang ang birthday party ni Tali
Tali

Bago pa man ang November 6 ay may mga nagda­tingan ng birthday gift kay Talitha.

Dahil ang dami pa ring bawal hindi nagpabongga ng birthday party sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Pero sabi ni Pauleen, nag-ayos pa rin naman daw sila para kahit paano ay ma-enjoy daw ng anak nila ang kanyang third birthday.

Laging sinasabi nga ni Pauleen sa amin na ang laki raw talaga ng nagawa ni Tali sa kanilang mag-asawa lalo nang naka-quarantine sila.

Dahil work from home nga si Bossing Vic sa Eat Bulaga, madalas ay sumasama ang bagets at nakikisayaw sa Bawal Judgmental.

Kaya hindi na si Baby Baste ang pinakabatang Dabarkads sa Eat Bulaga.

Kahapon sa Instagram account ni Pauleen ay emote siya sa kanyang birthday message sa anak. “Happy birthday to this ball of sunshine! Thank you for bringing great joy to our lives anak! You are a ­blessing to us and to a lot of people. I pray that you’ll grow up to be a kind giving person. We are grateful for your love anak! Thank you for giving meaning and purpose to my life. Happy 3rd birthday!”

Habang tinitipa ko ito ay nakaka-text ko si Pauleen at abala nga raw siya sa paghahanda ng konting salu-salo lang para sa anak nila.

Mga apo raw ni Bossing Vic ang darating at ang Mommy at Daddy ni Pauleen para maki-celebrate kay Tali.

Marian, umapaw ang kaba sa stage play

Natuwa naman si Marian Rivera na itinuloy ng GMA 7 ang First Yaya na ibinigay nila kay Sanya Lopez ang role.

Sabi ni Marian sa nakaraang mediacon ng Tadhana; “Okay naman ako kahit na sinong pumalit sa akin sa First Yaya. Walang problema sa akin dahil ako naman ang umayaw. Nagpapasalamat nga ako kung sino man, o si Sanya ang nakatanggap ng role. At least magagawa yung First Yaya dahil napakaganda ng kuwento.”

Thankful si Marian sa GMA 7 dahil ang dami na raw naganap sa buhay niya pero nandiyan ang suporta ng Kapuso network, at naiintindihan siya.

Kaya nga natawa siya nang tanungin ng ilang reporters kung puwede nang sundan si Sixto. One year and four months pa lang daw. At least two years daw na gap, puwede na. Kaya abangan na lang daw after six months.

At hindi man natuloy ni Marian ang First Yaya, nandiyan pa rin ang Tadhana na nasa pangatlong taon na.

Nakagawa pa siya ngayon ng stage play na kung saan naging bahagi siya sa Tanghalang Ateneo na Oedipus Rex.

Si Dingdong daw ang nagkumbinsi sa kanyang gawin iyon dahil professor pala ng asawa niya sa Ate­neo ang director nito na si Ron Capinding. “Isang malaking hakbang ito para sa akin dahil siyempre iba naman ito, sa Teatro. Siyempre pag Teatro parang ay Teatro? Medyo nakakakaba.

‘Pag nagri-rehearse kami, sinasabi ko talaga palagi akong kabado, parang hindi ko alam kung tama ba ‘yung ginagawa ko. Hanggang sa na-guide ako, naging kampante ako at nai-deliver ko. Sana maayos at maganda,” saad pa ni Marian.

Baka end of November o first week of December daw mapapanood na ang stage play nilang Oedipus Rex.

Beteranang aktres, insecure sa TF ng baguhang sikat na singer

Likas talagang kate-katera itong si beteranang singer na pati pala ang talent fee ng ibang nakakasabay niya sa guesting ay inaalam pa niya.

Nangyari kasi ito minsan sa isang variety show na kung saan nakasabay ni beteranang singer ang isang batang singer na mas sikat na sa kanya ngayon. Pero respetado si beteranang singer, kaya kahit huli siyang dumating sa taping, pumayag na si batang singer na mauna na itong isalang at maghintay na lang daw siya.

Nang nalaman ni beteranang singer na nandun pala si sikat na batang singer, kinalkal niya ang talent coordinator ng show na iyon kung magkano raw ang talent fee kay batang singer.

Ramdam yata ni beteranang singer na mas mataas ang ta­lent fee ni batang singer kesa kanya.

Siyempre, hindi naman puwedeng ibigay ang talent fee ng isang artista kaya nakaisip ng palusot si TC.

Sinabi na lang niyang, walang talent fee si batang singer dahil may pinu-promote ito.

Natahimik na si beteranang singer.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

TALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with