^

PSN Showbiz

Serye nina Gerald, JM at Yam, naka-second lock-in na

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Serye nina Gerald, JM at Yam, naka-second lock-in na
Yam

Ang lock-in taping nina Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman sa Tanay, Rizal para sa Init Sa Magdamag teleserye nila under Star Creatives ng ABS-CBN.

Bale second time na nilang mag-lock-in ­taping para sa nasabing teleserye.

Ayon sa isang insider na nakatsikahan ko, maayos daw ang nasabing taping. Lahat ng health and safety protocols ay pinatutupad daw ng Star Creatives at wala raw hassle sa set.

Ang sarap lang magtrabaho ngayong panahon ng COVID-19 pandemic kung lahat ay sumusunod sa health and safety protocols para safe na safe sa virus, huh!

Sabi nga, better na negative sa virus at sa life maging positive!

Assunta, halos hindi na natutulog

Kahapon ay two weeks na rin after makapanganak kay Baby Fiore si Assunta de Rossi.

Sa tuwing kinukumusta ko si Assunta, ok naman ang sagot niya.

Madalas din na kapag nagigising ako sa madaling araw ay nakikita kong naka-online sa WhatsApp ang aktres, kaya minsan ay nag-message ako sa kanya ng, “Wow, gising ka pa!”

Sagot naman ni Assunta, “Cluster feeding. Halos wala akong katu­log-tulog, pero ganoon talaga!”

Siyempre, kahit na kulang sa tulog ang misis ni Jules Ledesma, sobrang happy siya dahil finally nga ay isa na siyang ina!

Siyanga pala, madalas na mag-video call si Assunta at ang pamilya Schiavone nila.

Ang parents niyang sina Luigi at Nenita plus youngest sister na si Isabel ay nasa lugar nila sa Martano, Italy. Ang isa pa niyang sister ay nasa Amsterdam naman, si Margherita, kung saan ito nagwo-work. Si Alessandra de Rossi naman ay nasa bahay nito sa Quezon City.

Siyempre, sa video calls nila, palaging kasama si Baby Fiore.

Si Alessandra pa lang kasi ang nakakita nang personal kay Baby Fiore at nakarga pa nga ang pamangkin, pero sina Dady Luigi, Mommy Nenita, Isabel at Margherita ay baka next year pa makakauwi ng Philippines dahil delikado pa nga at may pandemic pa rin.

Actually, karamihan nga ng mga lugar ngayon sa Europe ay may second lockdown.

Naku, mabuti na lang talaga, Ateng Salve, at uso na ang iba’t ibang internet apps kung saan ay makakapag-video call ka using internet connection, huh!

Viewers nagpapasasa sa noontime shows

Dahil nga sa pandemic, karamihan sa atin ay nasa bahay lang.

Ako, Ateng Salve, nae-enjoy ko ang panonood ng TV shows lately.

Tuwing lunch, palipat-lipat ako sa It’s Showtime ng ABS-CBN, Lunch Out Loud ng TV5 (produced by Albee Benitez), Eat Bulaga ng GMA 7 (produced by TAPE, Inc.) at Happy Time ng Net 25.

‘Pag boring ang segment ng pinapanood ko, lipat naman sa iba.

And soon nga, pati sa PTV4, magkakaroon na ng noontime show, kaya lima na ang pagpipilian.

Pero may ibang mga loyal pa rin talaga sa It’s Showtime at Eat Bulaga at hindi sila naglilipat sa iba. Pero in all fairness to Lunch Out Loud ng TV5, may mga nahu-hook na rin sa kanila, huh!

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with