^

PSN Showbiz

KC, pinatunayang walang galit kay Gabby

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
KC, pinatunayang walang galit kay Gabby
KC at Gabby

Very touching naman ang naging greeting ni KC Concepcion sa tatay niyang si Gabby. Ipinakita lamang niya kung gaano sila ka-close na magtatay.

Iniisip ng marami na hindi ganoon ka-close si KC kay Gabby dahil kung iisipin mo nga naman three years old lang siya noong magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Hindi lang nagkahiwalay kundi nasundan pa ng sunud-sunod na controversy dahil sa mga sumunod pang love affairs ni Gabby. Pero ganoon man ang nangyari, nagawan niya ng paraan na hindi masira ang kanyang relasyon sa kanyang anak na si KC.

Siguro nga, kailangan ding bigyan ng credit ang mga Cuneta dahil hindi naman nila ipinagdamot si KC kay Gabby.

Doon sa kanyang birthday greeting at tribute na rin sa tatay niya, sinabi niyang nadarama naman niyang laging nariyan ang kanyang ama sa tuwing kailangan niya iyon. Sinabi rin niyang hindi niya naramdaman kahit na kailan na parang siya ay pinabayaan.

Para sa isang anak naman, iyon ang mahalaga eh, iyong alam mo na nariyan lamang ang magulang mo at nakahandang umalalay sa iyo kung may problema man.

Aywan kung nagkataon nga lang din, may inilabas ding throwback si KC tungkol naman sa kanyang lolang si Mommy Elaine. Sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang lola, at ganoon din kung papaano niya nadama ang labis na pagmamahal noon sa kanya. Talagang si KC naman ang nag-alaga at nag-asikaso sa lola niya hanggang sa huling sandali. Kasi naman ang lola rin niya ang nag-alaga sa kanya simula noong maliit pa siya.

May mga observer ngang nagsasabi na si KC ang apong naging pinakamalapit kay Mommy Elaine, at nakakuha pa ng ugali noon. Sabi pa nga nila, “walang ibang apo si Mrs. Cuneta na kasing close sa kanya ni KC. Talagang mahal niya ang apo niyang iyan.”

Sky Cable wini-wish makuha ng PLDT

Marami ang nagsasabing “sayang” at hindi natuloy ang bid ng PLDT, at Media Holdings na bilhin ang Sky Cable mula sa ABS-CBN. Simula kasi noong masara na ang ABS-CBN, sumama na rin ang serbisyo ng Sky Cable. Minsan magugulat ka na lang, nanonood ka tapos mawawala ang pinanonood mo. Kung tatawag ka naman sa kanila, walang sumasagot sa kanilang customer service.

Makikita mo iyan, may isang grupo na ngang nabuo ang mga nagrereklamo laban sa Sky Cable sa social media at sila-sila ay nag-uusap kung gaano na sila naistorbo. Ngayon, ang uso pa raw ay may mga dati yatang repairmen nila na nawalan na ng trabaho at nagsa-sideline na  gumagawa ng mga sirang serbisyo, pero siyempre babayaran sila dahil hindi na sila connected sa Sky Cable.

Marami pa naman sana ang umaasa na mas titino kung mabibili na nga ng PLDT, kaso hindi pala.

Ilusyonadang gay star pinagdududahan sa pinagyayabang na natikman

Ang nagkakalat pala ng tsismis talaga na ang isang male star ay “mahilig” at “daks,” ay isang gay star na nakasama niya sa isang serye. Sinasabi raw kasi ng gay star na naka-score siya sa kanyang poging co-star nang minsang mahuli niya iyong “may ginagawa nang palihim” sa kanilang set. Nilapitan daw niya at siyempre ang sumunod ay nangyari nga ang kanilang “cooperation.”

Ang nangyaring iyon ay ikinukuwento ng gay star sa kanyang mga kaibigan. At sinabi niyang tiyempo lang ang kailangan.

Mayroon namang ayaw maniwala sa tsismis, dahil kilala nga raw “ilusyonada” rin ang gay star.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with