^

PSN Showbiz

Lumang pelikula ni Anne, ipapalabas ng GMA!

Pilipino Star Ngayon

Sagot ng GMA Network ang masayang weekend para sa mga Kapuso viewer sa panibago nitong movie ­offerings bukas, Nobyembre 8.

Tampok sa Kapuso Movie Festival ang hit na 2010 animated superhero film na Megamind, kung saan mapapanood ang kapana-panabik na kuwento ng isang supervillain na sa wakas ay natalo ang kanyang matagal nang katunggaling superhero na si Metro Man. Ngunit matapos nito, hindi inaasahang mistulang nawalan na rin ng kahulugan ang buhay ni Megamind.

Tunghayan naman sa GMA Blockbusters ang natatanging pagganap ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa Laut na idinirek ni Louie Ignacio. Ang pelikulang ito ay tungkol sa sea gypsies mula sa Zamboanga na maninirahan sa Mabalacat, Pampanga. Gagampanan ni Barbie ang role ni Nadia, miyembro ng grupong Sama d’Laut, na nangangarap mapangasawa ang lala­king minamahal niya subalit kakailanganin niyang lisanin ang probinsiyang kinalakihan.

Samantala, ipalalabas sa Telesine Presents ang thriller na Bahay. Tungkol ito sa nakakakilabot na kuwento ni Jackie (G. Tongi) na ilang taon nang hinahanap ang kanyang nawawalang kapatid na si Emily (Anne Curtis). Dismayado sa kakulangan ng mga awtoridad, nagkaroon muli ng pag-asa si Jackie nang matuklasan ang balita tungkol sa isang nawawalang bahay sa Surigao. Makikilala niya rito ang pamilya ni Karen (Jaclyn Jose). Matutulungan kaya nila si Jackie na mahanap ang kapatid?

Abangan ang mga ito ngayong Linggo.

vuukle comment

ANNE CURTIS

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with