^

PSN Showbiz

Dingdong may bagong blessing

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong may bagong blessing
Dingdong
STAR/ File

Faith at patience nasubukan sa pandemya!

May bagong blessing na naman si Dingdong Dantes.

Pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pain reliever brand na Medicol ang bida ng Descendants of the Sun PH.

“Happy at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakakaranas ng pandemya, it makes me grateful,” bungad ni Dingdong.

Ang brand manager ng Medicol na si Lisa Angeli K. de Leon ay masayang ipinakilala ang matagal ng miyembro ng Unilab family. “Ni-launch ang campaign noong July and we are exploring projects na pwede kaming mag-collaborate to inspire Filipinos to rise above the challenges, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masaya po kaming makatrabaho si Dingdong muli.”

Actually, dati na palang endorser ng Medicol si Dingdong. Taong 2008 pa ito kaya malaki ang pasasalamat ng Kapuso actor sapagkat isa ito sa mga unang brand na nagtiwala sa kanya.

“Isa pong pribilehiyo ang maging brand ambassador. Ako po ay kaisa nila sa pagsusulong ng mas malusog na Pilipinas, one quality medicine at a time. Katulad ng Unilab, naniniwala rin po ako na ang de kalidad na health care ay dapat abot-kaya ng bawat Pilipino,” pahayag pa ni Dingdong na nag-hi pa sa mga invited press sa media conference ng misis na si Marian Rivera last Wednesday para sa third anniversary ang programa nitong Tadhana.

Ang Medicol ay dumaan na sa maraming reinventions simula nung una itong ipakilala sa mga tao noong 1979. Mula sa pagiging paracetamol tablet, ito ay naging ibuprofen caplet noong 2000s upang magbigay ng mas mabilis at mas mabisang pain relief. Noong 2010, ni-launch ang Medicol Advance 200mg na kauna-unahang ibuprofen softgel sa bansa. At mas mabilis pala ang bisa nito dahil sa ibufluid technology.

At noong 2013, mas pinalawak ng Medicol ang kanilang offering sa pamamagitan ng paglunsad ng unang 400mg ibuprofen softgel sa bansa. Sa kasalukuyan, nananatiling nag-iisa ang Medicol 400 sa merkado.

“Mula sa pagiging headache brand, isa na siyang clinically proven medicine to relieve different types of pain gaya ng migraine, toothache, dysmenorrhea, body pain at maging post-operative pains gaya ng tooth extraction,” kuwento pa ni Ms. de Leon,

“Dito pumapasok kung bakit si Dingdong ang perfect ambassador para sa Medicol. Napakarami nang nagbago sa Medicol at kay Dingdong. Kung paano nag-develop ang brand ay ganoon din si Dingdong over the years. He embodies the brand with his multi-faceted character and achievements. Si Dingdong ang perfect person to represent the brand’s promise of helping be your best self,” dagdag pa ni Ms. de Leon,

Anyway, bukod sa pagiging brand ambassador ng Medicol, busy din ang aktor sa maraming bagay sa kabila ng pandemic.

Katatapos lamang niya sa lock-in taping para sa Descendants of the Sun na napanood na ang fresh episode last night. May taping din siya tuwing Linggo para sa Amazing Earth. Siya rin ang direktor ng kanyang maybahay para sa Tadhana at ibang endorsement shoots nito.

Aktibo rin si Dingdong sa YesPinoy Foundation at sa DingDongPH na isang delivery app at sa Aktor  - Tindahan na isang  online marketplace na nagbukas na kahapon.

“Nagagawa ko ang lahat ng ito dahil sa supporta ng aking pamilya at ng aking komunidad who appreciate my craft and my contributions sa mga industriyang kinabibilangan ko,” banggit ni Dingdong.

Sa pagtungtong naman niya sa edad na 40, ano kaya ang dapat asahan mula sa kanya?

“I would like to think that I am still a work in progress and the best is yet to come. Marami akong pangarap para sa pamilya ko, para sa entertainment industry na humubog sa akin, at pangarap para sa communities and sectors na maaari ko pang matulungan.

“Itong pandemiya, it has been testing my faith and patience. Sinusubok ako sa mga paraan kung paano ko masisiguro ang safety and health ng pamilya ko at ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero alam ko na in His perfect time, this too shall pass,” pagtatapos niya.

Sa pulitika kaya, may plano si Dingdong?

vuukle comment

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with