^

PSN Showbiz

Kokoy, malilito ang puso kina Barbie at Alex

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kokoy, malilito ang puso kina Barbie at Alex
Kokoy
STAR/ File

Ang suwerte naman ng baguhang aktor na si Kokoy De Santos.

Kung ang ibang actor ay nagkakaroon ng anxiety dahil sa kawalan ng trabaho, lagare naman siya sa series.

May follow up na agad ang kapapalabas pa lang niyang Oh, Mando.

Bago siya napansin sa BL series na Gameboys na isang super hit noong lockdown, nauna na siyang napanood sa Fuccbois ng Cinemalaya.

Anyway, like Gameboys, BL series din ang Oh, Mando.

Malilito ang puso’t isipan ng isang binata sa pagmamahal niya sa isang babae at kapwa lalaki sa original series na ito na bida si Kokoy with Barbie Imperial and Alex Diaz na napapanood na sa iWant TFC streaming service.

Ilaladlad ng serye ang kwento ni Mando (Kokoy), isang college student at hopeless romantic na pilit na itinatago ang pagtingin niya para sa mga lalaki.

Sa kabila ng pagkalito niya sa kanyang sekswalidad, mapapalapit ang loob niya sa maganda at liberated na si Krisha (Barbie) matapos nilang magkakilala sa isang school play. Hindi naman magtatagal ay magiging sila, habang patuloy na itinatago ni Mando ang sikreto niya mula sa bago niyang girlfriend.

Sa panahon namang unti-unti na niyang minamahal si Krisha, magbabago ang mundo ni Mando nang makilala niya si Barry (Alex), isang gwapong atleta na “out and proud” sa pagiging bakla nito. Dito naman magsisimula ang mga problema ni Mando dahil malilito siya kung alin ang pipiliin – ang panindigan ang relasyon nila ni Krisha o ilantad ang tunay niyang nararamdaman para kay Barry.

Sino nga ba ang tunay na isinisigaw ng puso ni Mando?

In real life kaya confused na rin si Kokoy?

Ang serye ay sa ilalim ng direksyon ni Eduardo Roy Jr., ang award-winning director ng Pamilya Ordinaryo, Lola Igna, Bahay Bata, Quick Change, at Fuccbois.

Hindi naman nagtagal sa zoom conference ng Oh, Mando si Kokoy dahil hiniram lang siya sa taping ng Stay In Love for TV5 with Maris Racal ito with Ruffa Gutierrez.

Rip Tita Letty...

Rest in peace, tita Letty Celi.

Isang haligi ng entertainment writing si tita Letty na matagal ding nagsulat sa Pang Masa.

Siya ay binawian ng buhay dahil sa sakit na cirrhosis of the liver.

Hindi pa umano tiyak kung kailan ililibing si tita Letty, pero sa mga gusto siyang makita sa huling sandali, nakahimlay ang kanyang mga labi sa St. Peter, Sta. Rosa, Laguna.

Nakikiramay po ang buong pamunuan ng Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa sa naiwang pamilya ni tita Letty.

vuukle comment

KOKOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with