^

PSN Showbiz

Sunshine ayaw sumawsaw sa pulitika

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine ayaw sumawsaw sa pulitika
Sunshine
STAR/ File

May controversies na rin naman na nadamay si Sunshine Cruz, pero kapansin-pansin na hindi nga siya nahalo sa anumang usapang may kaugnayan sa pulitika. Kung iisipin napakalapit niya sa subject na iyon dahil may pagkakataong kumandidato ang dati niyang asawa at nagkampanya naman siya. Ngayon ang kanyang boyfriend ay mula sa isang political clan at nahahalo rin naman sa pulitika. Pero si Sunshine, pagdating yata sa pulitika laging may distansiya.

“Involved din siguro ako dahil nakakasama ako, nagkakampanya rin ako para sa mga kandidato in the past, pero hindi talaga ako humahalo sa political issues. Noon kung nakakasama man ako sa campaigns, dahil lamang sa artista ako. Performer ako. Kuma-
kanta kami o sumasayaw para hindi mainip ang mga tao, pero hindi nangangahulugan iyon na may ginagawa kaming endorsements o may pinapanigan kaming political ideology. Hindi naman puwedeng wala, pero kung mayroon man, personal na lang iyon,” sabi ni Sunshine.

Bakit nga ba hindi siya humahalo? Wala ba siyang interest talaga?

“Hindi sa ganoon dahil ang lahat ng actions nila sa gobyerno, damay tayo. Pero hindi kasi ako iyong vocal sa mga ganyang bagay eh. Ang feeling ko kasi, may mga taong mas responsible sa mga bagay na iyan. Sila ang dapat na mag-isip para sa kalagayahan ng lahat. Iba siyempre iyong politician ka mismo, o artista ka man ay politician ka rin. Kagaya halimbawa ni Ate Vi. Sila ang dapat magsalita kasi linya nila iyon. Now if it affects our jobs, and our lives, doon ako sasali. Pero kung hindi, ang katuwiran ko ipaubaya na iyan doon sa mga mas may alam diyan,” sabi pa ni Sunshine.

Ano ang masasabi niya sa mga artistang nahahalo sa usaping political?

“Siguro mahirap ngang iwasan din, alo na’t talagang concerned eh. Mga tao rin naman sila, na nagbabayad ng tax at feeling nila karapatan nilang makialam. O kaya kagaya ni Angel Locsin na on her own tumutulong sa maraming bagay, may karapatan din siyang mag-voice out kung ano ang mali. Kasi kung lahat ng nangyayari nasa ayos, there is no need para sa isang private citizen na kagaya niya na kumilos pa nang ganoon.

“Siyempre magkakaiba ang paniniwala kaya ganoon,” sabi ni Sunshine.

G. Toengi, bumuwelta

Mukhang ganoon nga ang nangyari sa komedyanteng si Arnell Ignacio. Nagbigay siya ng opinion sa nasabi ng ilang mga artista, at may nasabi siyang ang mga iyon ay nagpapakita ng “kabobohan” at “katangahan.”

Mabilis naman siyang sinagot ni G. Toengi na nagpaalala sa kanyang “magdahan-dahan ka naman sa pagsasalita laban sa mga kasama mo sa industriya.” Ok lang naman ang sinabi ni G., maliban sa personal niyang pang-iinsulto sa pagsasabing “ang mahina ang ulo, ay iyong hindi tumutubong buhok mo, kaya naka-plug ins ka,” sabi pa ni G. Pero iyon ay personal na, at ano nga ba ang punto ng nakakalbo sa usapan nila?

Hindi kaya magalit din kay G. ang mga artistang katulad niya ng paniniwala pero ang mga boyfriend ay kalbo? Naisip ko lang iyan. Magagalit ang mga walang buhok.

Dating TV host ilang beses nang tinanggihan

May isang dating TV host na nagpipilit pa eh. Hindi na nga siya makapasok sa TV, dahil walang network na interesado sa kanya. Kaya naisip niya, makikipaglaban na lang siya sa mga vlogger, gagawa siya ng online show. After all bumili na siya ng sarili niyang equipment na gagamitin sana sa TV show niya noon na na-reject din ng isang network.

Magsisimula na nga raw sana ang kanilang online show, pero umiral na naman ang kayabangan ng TV host na naghahanap pa rin ng “royal treatment” eh sa internet na nga lang siya, at ang sponsor niya ay isa lamang malaking sari-sari store. Sari-sari naman, hindi naman “tindahan ng intsik.” Eh ‘di wala na naman.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with