Aktres na may edad na ubod ng maldita, May bagong image na pino-project
Ay, panalo ang kuwentong ito tungkol sa isang kilalang female personality na palaging pinagpipistahan ang kamalditahan may bagong kuwento tungkol sa bigla niyang pagbabago.
?Siya ang palaging bumibida ngayon sa mga umpukan (na may disiplina naman sa health protocol), natutuwa silasa bagong balitang nakarating sa kanila, ibang-iba na kuno ngayon ang female personality na nagkakaedad na.
?Kuwento ng aming source, “Naku, nakakaloka ang kuwento tungkol sa babaitang ‘yun! Nagbago na raw siya, ibang-iba na raw siya ngayon, kaya parang gustong mapa-sign of the cross ang tropang nakarinig sa istorya!” unang sultada ng aming impormante.
?Kung ganu’n palang nagbago na ang ugali ng nagkakaedad nang female personality ay marami na ring kuwentong mabubura ngayon tungkol sa kanya?
?Balik-kuwento ng aming source, “Mismo! Hindi na maiinis sa kanya ngayon ang mga katrabaho niya! Puwede na pala silang magkuwentuhan nang malakas kahit sa tabi lang ng dressing room niya?
?“Wala na palang lalabas sa dressing room paramagsabing huwag silang maingay, dahil nagri-reading ng script si madam! Hindi na siya maiingayan ngayon!
?“Hindi na rin siya magagalit sa make-up artist at hairdresser niya kapag nale-late lang nang konti sa set. Hindi na siya magkukukuda na umalis sila nang madaling-araw sa bahay nila para hindi sila nata-traffic!
?“At hindi na rin siya maiinis sa production staff kapag medyo may nangyayaring aberya sa taping niya! Iwas-kuda na siya ngayon, na para bang napaka-perfect niya na walang nagagawang mali?
?“Ngayong nagbabago na kuno ang female personality, e, magiginhawahan na sa kanya ang mismong staff niya. Wala nang aapuntahan ng nerbiyos kapag nagkakaroon ng problema sa set!” puro kabaligtaran na pag-alala ng amingsource tungkol sa babaeng personalidad.
?Nagbago kuno ang ugali ng aktres dahil naulinigan niya ang balita na mawawalan na siya ng show sa network na pinagseserbisyuhan niya dahil may mga nagrereklamo sa kanyang attitude. Yes, ugali nga niya ang inirereklamo ng mga katrabaho niya, ‘yun ang totoo.
?Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Naku, matutuwa na rin ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa airport! Hindi na sila tatalakan ng female personality kapag gusto nilang makipag-selfie!
?“Hindi na niya iirapan ang mga may gustong magpakuha ng picture na katabi siya dahil pagod na pagod daw siya! Nakakaloka ang babaeng ‘yun na gusto nang itulak sa septic tank ng mga naiinis sa dating ugali niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.
?Ubos!
Angelica ayaw tigilan ng matinding bashing
Lahat ng mga salitang ayaw matikman ni Angelica Panganiban ay bultuhang ipinakain sa kanya ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
?Sa isang iglap lang ay nabusog ng mga negatibong salita ang bituka ng aktres. Grabe ang pamba-bash sakanya. ‘Yun ang literal na kahit gutom na aso ay hindimakakain.
?Simple lang naman ang naging komento ni Angelica nu’ng kasagsagan ng pananalanta ni bagyong Rolly, “Ano na’ng plano? Tulog na lang? Kilos-kilos naman para sa sinumpaan sa bayan at sa mga Pilipino.”
?Ganu’n lang kasimple, ni wala siyang binanggit na pangalan ng kung sinumang public servant na pinatatamaan niya, pero grabe ang naging resbak sa kanya ng mga taga suporta ng ating pangulo.
?Napasabay kasi ang kanyang komento sa isyu nu’ng mga oras na ‘yun kung nasaan ang pangulo, nang magkaroon kasi ng press briefing ang mga tagapamahala ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan ay wala si PRRD, hinahanap ito ng buong bayan.
?Tumatagos hanggang sa kunsensiya ang mga salitang ibinalik kay Angelica ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte, tinawag siyang boba at papansin, lalo na nang magsalita ang mga taga-Palasyo na sa panahon ng kalamidad ay bayanihan ang dapat pairalin at hindilaglagan.
?Kahit siguro si Angelica ay na-shock sa mga salitang ipinakain sa kanya, sabi siguro ni Angel ay napakadaling humanap ng kaaway sa mga panahong ito, magsalita ka lang ng patagilid tungkol sa pangulo ay giyera mundial na agad ang resulta nu’n.
?Pero napakasarap nga namang matulog kapag may bagyo, nang-iimbita kasi ang klima ng katamaran, kaya hindi natin gugustuhing lumabas dahil mas masarap mamaluktot na lang sa higaan.
- Latest