^

PSN Showbiz

Julia, dinagsa ng birthday greetings para kay Coco

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia, dinagsa ng birthday greetings para kay Coco
Julia
STAR/ File

Sa Instagram page ni Julia Montes nagpuntahan ang mga gustong bumati ng Happy Birthday kay Coco Martin kahapon.

Hanggang ngayon kasi ay nanatiling deactivated ang IG page ng actor.

Eh si Julia na sinasabing karelasyon nga ni Coco though walang official words from them ay nag-upload ng happy birthday photo ng actor - habang may hawak na nahuling fish. Pero walang caption, birthday cake, heart and gift emojis lang ang ini­lagay ng actress.

Anyway, break daw ngayon ang taping ng Ang Probinsyano kaya nakaiwas ito sa matinding hagupit ng bagyong Rolly na umabot sa signal no. 5.

Actually, nakalatag na raw ang taping nito hanggang before Christmas kaya impossible na tatapusin na ito katulad sa ibang chika.

‘Yun nga lang daw, may ilan pa ring nagkakaroon ng infection sa staff nila tuwing magkakaroon sila ng lock-in taping, pero manageable naman daw.

Samantala, si Julia ay nauna nang nag-back out sa teleseryeng Burado dahil tumanggi diumano ito sa lock-in taping.

Wala namang chika kung ano ang naging ganap sa birthday ni Coco na nakasabay nga ng super typhoon Rolly na malaki ang pininsala sa bansa.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with