^

PSN Showbiz

Alden nakakakilabot ang karanasan sa exorcism

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden nakakakilabot ang karanasan sa exorcism
Alden
STAR/ File

Interesting ang Halloween episode ng Eat Bulaga noong nakaraang Sabado na kung saan ang Miss Universe 3rd runner-up 2011 na si Shamcey Supsup-Lee ang naglaro. Isa sa mga choices kasi roon ay ang dabarkads nilang si Alden Ri­chards na kung saan isa siya sa sasagot sa tanong  kung sino sa kanila ang naka-witness ng exorcism. Ikinuwento ni Alden ang experience niya sa exorcism noong may binili siyang lupa’t bahay sa Laguna.

Luma na raw ang nakatayong bahay kaya kailangan daw niyang ipa-renovate lahat para bago na ito. “Ang usapan po namin ng contractor parang hanggang 4 months lang dapat siya gagawin. Nagtataka po ako sampung buwan na, parang wala pang natatapos. Every time natsi-check ko siya weekly, hindi siya matapos-tapos.

“Nagrereklamo ang mga nagtatrabaho dun na ‘sir, meron po kaming nakikita dito sa master’s bedroom area, tapos parang lagi po kaming nasisiraan ng gamit.”

Noong una ay hindi raw naniniwala si Alden sa mga ganu’ng preternatural at pati sa supernatural na buong akala niya ay sa pelikula lang iyon nangyayari.

Nagtanung-tanong daw siya at mabuti naman bago raw ito nangyari sa kanya ay nagkakilala na sila ni Father Jeff Quintela na miyembro ng Philippine Association of Catholic Exorcist, at Chief Exorcist of the Diocese of Antipolo. “Nag-consult po ako sa mga kaibigan ko. Wala pa po akong ideya about exorcism. Nakikita ko lang siya sa pelikula, and just consider it as entertainment.

“Nakuwento ko lang po sa kanya (Father Jeff) na ‘Father meron po akong bahay ganito ganyan…eto nga po silang pinapagawa sa akin eh. Mag-alay daw po ako ng manok. Paduguan daw ang ganito, etc.

“All along akala ko normal yun. But nu’ng nagkakuwentuhan kami ni Fr. Jeff dun na po nagbukas yung pag-iisip ko about exorcism.

“Nung nagkuwentuhan kami ni Fr. Jeff, sabi niya huwag mong gagawin yan, hindi tama. Lalo mo lang palakasin ang presensya sa bahay mo. Kung ano mang masamang elementong meron dun, kasi you’re patronizing the omen which is very wrong in the Bible. Kasi whatever not within the Bible is the work of the devil,” pagkukuwento ni Alden.

Ipinaliwanag rin niya kung ano yung preternatural at ang supernatural. “Yung supernatural po sabi ni Fr. Jeff is Lord, everything in heaven. Pero yung preternatural ‘yun ang mga bad omens, mga demonyo,” sabi pa ni Alden.

Itinuloy ni Alden ang kuwento nung ipina-exorcise na raw niya ang kanyang bahay.

“Nu’ng day nang papunta si Fr. Jeff sa bahay na iyun, naligaw sila. Which is ang dali lang pong hanapin ang bahay namin,” sabi pa niya.

Halos tatlong oras daw na na-delay ang pagdating ni Father Jeff at nu’ng dumating na raw siya sa pinapagawa niyang bahay, nakaramdam na raw si Father ng sobrang sakit ng ulo. Ramdam na nga raw ni Father Jeff na malakas ang elementong naninirahan doon sa bahay. “Pumasok po kami sa bahay. Balisang-balisa si Father, pinapawisan, nakikita ko ang discomfort,” sabi pa niya. Ramdam nga raw ni Father Jeff na marami talaga doon sa kanyang master’s bedroom, at malakas ito.

Nilabas na raw ni Father ang kanyang exorcism book, at noong nagsimula na raw itong magdasal, biglang dumilim daw ang paligid, gayung hindi naman daw umuulan at mainit daw ang panahon. “The moment na sinabi ni Father yung basic line ng mga exorcist na ‘In the name of Jesus Christ, I cast you out Satan, dumilim,” patuloy nito.

At noong nagkatipun-tipon daw sila sa may sala, biglang sumara raw sabay-sabay ang mga pintuan pati ang gate. Pero hindi raw sila natinag, itinuloy pa rin daw nila ang pagdarasal ng deliverance prayer at naglagay daw sila ng exorcise salt at exorcise oil.

Dagdag pang kuwento ni Alden, kumain daw sila sa isang restaurant pagkatapos noong exorcism rite, maayos daw silang nagkakuwentuhan ni Father Jeff. “Habang kinakausap ko si Father, sabi ko Father gusto ko mapalakas ang faith ko kay Lord. “Sabi ko, I want to be His spokesperson, yung right arm ko, in front of us nagkakaroon ng scratch. Tapos, parang yung scratch nagsimula siya yung parang pula lang then eventually, parang nagpu-form na yung maliit na kuko. Hanggang sa dumugo na siya.

“Sabi ko, ‘Father, ano yung ibig sabihin nito. Iyon nga, parang kaila­ngan natin palakasin yung faith mo. Tapos nilagyan ni Father ng exorcise oil yung braso ko,” kuwento ni Alden na kinikilabutan na ang mga taga-Eat Bulaga, lalo na si Shamcey na takot na takot sa kuwento ng aktor at pati na rin ang ibang choices.

Matagal nang nakatira sa bahay na iyon sina Alden at maayos na raw. Wala na raw silang nararamdaman at doon pa nga sa master’s bedroom ang ginagamit na kuwarto ng aktor. “Sobrang aliwalas. Since natapos yung exorcism, maraming blessings na dumating, at magaan. Masarap siyang uwian,” pahayag ni Alden.

Grateful..., mamimigay ng datung

Magpapaulan ng kadatungan sa season ender ang programang Grateful Tuesdays nina Che­mist Pinky Tobiano at Yeng Constantino. Limang lucky winners ang makakatanggap ng tig-P50,000 mula kay Mayor Chavit Singson. Sasagutin lang daw ang kanilang tanong na ‘Why Should I Win.’ I-email lamang ito sa [email protected].

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with