Isang personalidad, super ang mga naging pagsisinungaling
Maraming nakikisimpatya sa isang personalidad na sinalakay ng problemang hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Sa isang iglap ay nawindang ang kanyang buhay.
?Pero marami ring sumisisi sa male personality, produkto raw ng kanyang pagpapabaya ang mga hinaharap niyang problemang personal ngayon, wala raw kasi siyang prayoridad sa buhay.
?Gustong maawa sa kanya ng mga taong una niyang nakatrabaho, pero kapag binabalikan ng mga ito ang seryeng kanyang mga pagsisinungaling, ang pagkaawa ay naglalaho.
?Kuwento ng aming source, “May naaalala kasi sila. Maraming kuwento ‘yun na kapag pinagtatagpi-tagpi nila ngayon, e, nauuwi sa inis.
?“One time, nagpaalam ang male personality sa talent coordinator ng show na nagbigay ng opportunity sa kanya para kumita at makilala. Kailangan daw niyang umuwi sa kanilang probinsiya, emergency lang daw.
?“May kailangan daw siyang ayusin, siya lang daw ang makakaayos ng pinagdadaanan ng pamilya niya, pinayagan naman siya ng show. Naniwala sa ibinigay niyang dahilan ang production staff.
?“Three days after, nalaman nila na tumanggap pala ng provincial show ang male personality, malaki ang siningil niyang talent fee, hindi pala totoong problemado ang pamilya nila.
?“Ginawa lang niyang dahilan ‘yun para makaraket siya. Kung barya-barya lang ang turing niya sa talent fee niya sa show, ‘yun nga naman, e, isang gabi lang, pero malaki ang amount!” unang kuwento ng aming impormante.
?Ikalawang serye ng pagsisinungaling ng male personality, hindi siya nakapag-report sa show, masama raw ang kanyang pakiramdam mula pa lang nu’ng magising siya.
?Patuloy ng aming source, “Biglang may tumawag sa isang staff, nakita raw siya sa casino, nagsusugal! Naloka ang staff, akala raw ba niya, e, masama ang katawan nu’ng co-host nila?
?“Pero nagbababad lang naman pala siya sa casino, ipinang sugal na agad ang kinita niya sa provincial show! Nakarating ‘yun sa main host, ipinakausap siya sa executive producer ng show, pinangaralan siya.
?“Bigla na lang siyang umalis nang walang paalam, wala siyang kapasi-pasintabi sa taong nagbigay ng break sa kaya para makilala siya. Paano na ngayon?
?“Paniniwalaan ba siya at kaawaan ng mga taong immune na immune na sa kasinungalingan niya? Super! Natural, hindi na!” konklusyon ng aming impormante.
?Ubos!
Alex, nakabalik na sa trabaho
Isang kilalang direktor ang nagkuwento sa amin ilang linggo na ang nakararaan tungkol sa sitwasyon ng pamilya Gonzaga.
?Nangasim daw sa sinigang na baboy ang isang miyembro ng kanilang pamilya, lumabas ito at kumain sa isang restaurant, ‘yun ang itinuturong dahilan kung bakit ito kinapitan ng COVID-19.
?Sinadya naming ilihim ang kuwento sa pakiusap na rin ng kausap naming direktor. Isa pa ay nagkaroon kami ng hindi kagandahang karanasan kay Mrs. Pinty Gonzaga nang isulat namin ang mga kuwento ng kanyang anak na si Alex.
?Hirap na hirap kasing dumumi si Alex, malakas siyang kumain, pero hindi niya naman ‘yun na ilalabas. Sinulat namin ‘yun, hindi naman kasi off-the-record ang kuwento ng aktres, ikinagalit ‘yun ng kanyang ina.
?Bakit daw namin ‘yun isinulat, akala raw ng mga taong nagmamahal kay Alex ay meron na siyang colon cancer, ayon kay Aling Pinty.
?Sa halip na pangaralan ang kanyang anak na piliin lang ang mga kuwentong sasabihin ay ang kolumnista pa ang kanyang sinisi.
?Nang sabihin namin ‘yun kay direk ay natawa ito, “Naku, maraming kuwento tungkol sa mommy nina Alex at Toni na nakakaloka! Hindi yata niya alam ang mundong pinasok ng mga anak niya!”
?Maganda nang kay Alex mismo nanggaling ang kuwento ng pagkakaroon ng COVID-19 ng kanilang buong pamilya. Mahirap kasing pangunahan ang kuwento dahil baka magalit na naman si Aling Pinty.
?Ang pagku-quarantine ni Alex ang dahilan kung bakit sa dalawang unang linggo ng Lunch Out Loud ay hindi muna siya napanood. Pero ayon sa anak-anakan naming staff ng noontime show ay nakakapag-taping na si Alex.
?Mas magiging masaya ang Lunch Out Loud kapag kasama na si Alex Gonzaga, kinakagat ng publiko ang kanyang pagkokomedya, natural na natural kasi ‘yun at talaga namang nakakaaliw siya kapag nagluluka-lukahan na sa ere.
- Latest