^

PSN Showbiz

Paulo namuhunan din sa pelikula nina Ivana at Jake

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo namuhunan din sa pelikula nina Ivana at Jake
Paolo
STAR/ File

Nakakapangilabot na kababalaghan ang sasapitin nina Jake Cuenca at Ivana Alawi dahil sa pagnanasang magkapera at ibigin sa back-to-back horror films ng Sitsit series na tapos nang i-shoot bago pa man nagka-pandemic.

Pelikula sana ito at ipalalabas sa mga sinehan pero wala pa ring mga sinehang bukas hanggang sa kasalukuyan.

Pero mapapanood na ito simula Oktubre 31 sa iWant TFC streaming service.

Ang Sitsit ay magkaibang kuwento ng Scorpio at Aswang tungkol sa dalawang taong mababalot ng kasamaan matapos nilang takasan ang masalimuot nilang mga buhay.

Sa Scorpio, gagampanan nina Jake at Dido dela Paz si Danny, isang matandang photographer na natatakot mabuhay nang walang nagmamahal sa kanya. Dahil sa pagnanasa niya sa isang dalaga, iinom siya ng isang misteryosong gayuma na magpapabalik sa kanya sa pagkabinata para maakit niya ang babae.

Sa Aswang naman, makikilala si Joyce (Ivana), isang prostitute na madalas imaltrato ng kanyang mga kliyente pero pinipiling kumita ng pera para sa kanyang pamilya. Magbabago rin ang kanyang kapalaran nang makilala niya si Nala, isang asong sasamahan siya sa bawat problema at magbibigay sa kanya ng inaasam niyang buhay.

Ang Sitsit ay hango sa mga alamat na kapag sinundan ng isang tao ang misteryosong sitsit ay may mangyayaring masama. Bibigyang diin sa back-to-back movies ang mga elementong Pilipino na aswang at gayuma at kung paano nito maaapektuhan ang malalagim na karanasan nina Danny at Joyce.

Idinirek ni Ato Bautista ang Scorpio, habang ang  Aswang ay idinirek ni Erin Pascual. Kasama sa producer ng Aswang si Paulo Avelino. Yes producer na si Paulo.

Panoorin ang Sitsit sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com simula Oktubre 31.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with