^

PSN Showbiz

Sarah, ngayon lang natutong humawak ng pera

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, ngayon lang natutong humawak ng pera
Sarah
STAR/ File

Mula nang mag-asawa ay maraming mga bagay na ang natuklasan at natutunan ni Sarah Geronimo. Matatandaang lihim na nagpakasal sina Sarah at Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Bukod sa pagluluto ay naranasan na rin ng Popstar Royalty ang paghawak ng sariling pera. “To be honest na-expedite ‘yung adulting. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest,” pagtatapat ni Sarah.

Ang inang si Divine Geronimo ang namamahala noon sa lahat ng mga kinikita ng singer-actress. Malaki ang tiwala at paghanga ni Sarah sa lahat ng ginawa ni Mommy Divine sa kanya at sa kanilang buong pamilya. “Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa anak niya. Para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Gano’n siya ka-loving sa mga anak niya. I grew up na very dependent talaga sa aking parents. Kasi talagang grabe naman mag-alaga ang aking mama at daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single. I have to accept na hindi na ako single. So ngayon natutunan ko na lahat, with the help of my husband,” paglalahad niya.

Sa ngayon ay pinagpaplanuhan na nina Sarah at Matteo ang pagbuo ng sariling pamilya. “Iba na ang priority ko sa buhay. My priority now is my husband. Kasi ‘yon ang reality ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband,” pagtatapos ng Popstar Royalty.

Angeline, magiging wedding singer ni Kaladkaren

Malapit na muling mapanood ang I Can See Your Voice sa Kapamilya Channel. Sa naturang show mas lumalim ang pagkakaibigan ng kapwa Sing-vestigator na sina Angeline Quinto at Jervi Li o mas kilala bilang si KaladKaren. Isa raw si Angeline sa magiging special guest ng komedyante sa kasal na gaganapin sa England. Matatandaang naganap ang engagement nina Kaladkaren at Luke Wrightson kamakailan lamang.

“Noong narinig ko ang magandang balita nga tungkol sa kanila ni Luke ay tuwang-tuwa ako. Kaya sinabi ko sa kanya na kung kailan man ang kasal n’yo ay asahan mo na kapag pwede talaga ay kakanta ako para sa inyo,” pahayag ni Angeline.

Ayon kay KaladKaren ay halos isang dekada na ang nakalilipas nang una silang nagkatrabaho ng dalaga kaya talagang noon pa man ay magkaibigan na sila.

“Siya pinaka-close ko sa I Can See Your Voice. Nagkatrabaho kami 2011 pa lang. Hindi pa ako nagso-showbiz, naging contestant namin si Ate Angge sa isang singing competition. Tapos ako ang isa sa mga writer kaya kami nagkakilala,” kuwento naman ni KaladKaren. (Reports from JCC)

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with